5 Simpleng Gamot sa Makating Lalamunan

gamot sa makating lalamunan

Categories :
(Last Updated On: December 13, 2022)

Napansin niyo ba, magmula ng maapektuhan ang buong mundo ng pandemic, mas mabilis na ngayon magkasakit ang mga tao? Nitong 2022, yung pamilya ko, halos every month nakararanas ng makating lalamunan. Kapag nangati na yung mga lalamunan namin, matik na yang susundan ng ubo, sipon, at lagnat. Ang dami ring nagshe-share sa Facebook groups lalo na sa mom groups na may mga sakit ang pamilya nila, as in bawat miyembro. Kaya kung naghahanap kayo ng gamot sa makating lalamunan o home remedies sa makating lalamunan, subukan ang mga ito:

Table of Contents

    1. Uminom ng calamansi honey ginger tea.

    Tested and proven ko na ito. Sa pamilya namin, ako ang pinaka-unang nananakit ang lalamunan. Nagka-Covid na rin kasi ako noong 2021 – Delta variant. Sabi ng doktor, post Covid syndrome daw ito.

    Nawawala naman yung pangangati, pananakit, at pamamaga kapag umiinom ako ng antibiotic. Eh kaso buwan-buwan talaga ako inaatake ng masakit na lalamunan. Hindi naman pwe-pwedeng aasa ako sa antibiotic at baka magkaroon ako ng antibiotic resistance. Ibig sabihin, baka balang araw eh sa kakainom ko ng antibiotic eh hindi na ako tablan ng antibiotic.

    Kaya nag-research ako ng natural tea na pwedeng inumin. May mga kaklase akong nurse na nagpayo na bumili daw ako ng honey citron tea. Effective daw yun. Kaso ang mahal ng honey citron tea sa Lazada o Shopee.

    Tapos nakita ko yung Instagram reel ni Erwan Heussaf. May recipe siya ng calamansi honey ginger tea. Sakto, kasi maraming tanim na luya ang Tatay at meron din kaming mga puno ng kalamansi.

    Watch Erwan Heussaf’s Calamansi Honey Ginger Tea Recipe

    https://www.instagram.com/p/CfqofL6JZe8/?fbclid=IwAR23ADW70oH4l_4Fj7Q8Ky69HzD9zJuf04ktypQeAaRZW-LEFRE34nKBH3k

    Iniinom ko yung gawa kong calamansi honey ginger tea ng 2x a day kapag nangangati at nananakit yung lalamunan ko. Pero iniinom ko rin yan daily kahit wala akong sakit. Pero 1x a day na lang.

    Bakit epektibo ang kalamansi, honey, at luya bilang gamot sa makating lalamunan?

    Ang kalamansi ay immunity booster at mayaman sa vitamin C. Ibig sabihin, nakatutulong ang kalamansi sa pagpapalakas ng resistensiya.

    Samantalang ang honey (pulot) at luya naman ay sagana sa natural na antibacterial at anti-inflammatory properties. Ibig sabihin, nakatutulong ang pagkonsumo ng honey at luya sa pagsugpo ng bacteria at pamamaga ng katawan.

    gamot sa makating lalamunan pin
    5 Simpleng Gamot sa Makating Lalamunan

    2. Magmumog ng salt water.

    Isa sa mga classic na gamot sa makating lalamunan ay ang pagmumumog ng salt water o tubig na may halong asin.

    Kung naaalala niyo yung Science experiment niyo tungkol sa osmosis… Yun bang pag naglagay ka ng kapirasong sayote o patatas sa tubig na may asin ay lumiliit/nanunuyot yung sayote o patatas kapag nababad. Naaalala niyo pa ba yun? 😅

    Dahil mas mataas ang hypertonic osmotic pressure ng salt water, nahihigop nito yung tubig at mucus na nakakapit sa iyong lalamunan. Dahil dito, natatanggal ng pagmumog ng salt water ang bacteria/virus na sanhi ng makating lalamunan.

    Using saltwater creates a sort of osmosis effect and the salt concentration draws fluids from your mouth that are painful, and it also helps to relieve a painful infection.  The saltwater breaks up mucus and irritants and all sorts of fungi from the throat. 

    – Holman Family Dentistry

    Paano gumawa ng salt water para sa makating lalamunan?

    1. Mag-init ng tubig.
    2. Isalin ang mainit na tubig sa tasa.
    3. Haluan ang tubig ng 1/2 kutsaritang asin at haluin.
    4. Magmumog ng salt water 2-4x a day.

    3. Magsipsip ng lozenges.

    Madaming nabibiling lozenges para sa makating lalamunan. Pero ang mga subok ko ng brands ng lozenges ay Strepsils at Dequadin.

    Kadalasan, pwedeng magsipsip ng lozenges every 2 hours. Hayaan lang matunaw ang lozenges sa bibig nang dahan-dahan.

    Nakatutulong ang lozenges sa makating lalamunan kasi meron silang anesthetic (pampamanhid) at antiseptic (nakapipigil sa pagdami ng mikrobyo) properties.

    Noon, pangmatatanda lang ang lozenges. Pero ngayon, marami na rin ang formulated para sa mga bata. Nabibili ang lozenges kahit walang reseta.

    4. Humigop ng mainit na sabaw o uminom ng malamig.

    Kapag makati ang lalamunan, ang kadalasang payo sa atin ay humigop ng mainit na sabaw. Kasi yung init ay nagdudulot ng ginhawa at nakatutulong sa pagpapawala nung kati.

    Pero hindi pala lahat ng may makating lalamunan ay OK sa mainit na sabaw.

    Yung iba, mas nagiginhawaan sila kapag nagngangata sila ng yelo o umiinom ng malamig na tubig at juice. Kapag kasi malamig, napapamanhid nito yung nerves ng lalamunan para hindi ito gaanong maging masakit.

    Kaya nasa sa inyo na kung ang gusto niyo ay mainit o malamig.

    Ice pops lower the temperature of the nerve endings in the throat, thereby reducing the pain signals. This method also activates a receptor called transient receptor potential melastin 8, which results in pain relief.

    – Prof. Ron Eccles, Previous Director of the Common Cold Centre in the School of Biosciences at the University of Cardiff in the United Kingdom

    5. Uminom ng maraming tubig.

    At siyempre, hindi mawawalang home remedy yung plain water lang.

    Ayon sa mga doktor, kahit masakit at namamaga ang lalamunan, pilitin pa ring uminom ng 8 baso ng tubig o 2 litro ng tubig araw-araw.

    Nakatutulong ang pag-inom ng tubig para ma-wash out ang anumang mikrobyo sa lalamunan at mapigilan agad ang namumuong plema.

    Konklusyon

    Madali lamang gamutin ang makating lalamunan. Sa katunayan, kusa itong gumagaling kahit wala kang ilapat na anumang lunas. Pero yan ay kung virus ang sanhi nito. Kapag bacteria ang sanhi, kailangan mong uminom ng niresetang antibiotic ng iyong doktor.

    References:

    Can Ginger Really Help My Throat? – Murfreesboro Medical Clinic and SurgiCenter

    6 At-Home Remedies to Ease Your Sore Throat – Penn Medicine

    Will a Saltwater Gargle Help a Sore Throat? – Augusta Aiken ENT

    Remedies for an Itchy Throat – WebMD

    6 Tips to Soothe a Sore Throat – Patient First

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *