7 Tips Para Matagal Labasan ang Lalaki

tips para matagal labasan

Nakakatagal ka ba sa labing-labing niyo ng iyong partner o misis? Kung hindi, baka ikaw ay nakararanas ng premature ejaculation o sa Tagalog ay mabilis labasan. Alam naman nating lahat na ang pagkakaroon ng healthy sex life ay isa sa mga kailangan upang magkaroon ng masaya at maayos na pagsasama. Kung naghahanap ka ng tips para matagal labasan, gawin ang mga sumusunod:

Table of Contents

    Mga Paraan Upang Hindi Mabilis Labasan ang Lalaki

    Ang mga lalaki ay pwedeng makaranas ng premature ejaculation lalo na kung kakaunti pa lang ang karanasan sa pakikipagtalik o kaya naman ay kulang pa sa praktis! Pwede naman itong masolusyonan sa pamamagitan ng mga sumusunod na tips para matagal labasan ang lalaki:

    1. Mag-masturbate muna bago makipagtalik.

    Isa sa mga dahilan ng mabilis labasan ay yung labis na pananabik sa sex. Para naman mabawas-bawasan yung pananabik mo sa iyong ka-partner o misis, mas OK na mag-masturbate o magjakol muna 1 oras o 2 oras bago ganapin ang pakikipagtalik. Ang disadvantage nga lang nito sa ibang mga lalaki, nawawalan na sila ng gana na makipag-sex at hindi na ulit tumatayo o tumitigas ang kanilang ari kapag oras na ng labing-labing.

    Self-stimulation may help dissolve some of the sexual tension that can lead to ejaculating early during penetrative sex.

    – Pilot.com.au

    2. Magsuot ng makapal na condom.

    Minsan naman, nilalabasan agad ang lalaki dahil masyado silang na-ooverstimulate kapag nadampian na ang kanilang ari ng kweba ni misis. Isa sa mga tips para matagal labasan ay gumamit ng condom, mas OK yung makakapal na klase. Ang condom ay hindi lamang ginagamit para hindi mabuntis ang babae o para hindi magkaroon ng mga sexually transmitted disease. Pwede rin itong magsilbing barrier para mabawas-bawasan ang sensasyon ng pakikipagtalik.

    3. Mag-isip ng ibang bagay.

    Kung ikaw ay nakararanas ng premature ejaculation, makatutulong ang pag-iisip ng ibang bagay para hindi ka agad labasan. Mag-isip ng ibang bagay ha, hindi ibang babae. Halimbawa, isipin mong Monday na naman at nakakatamad pumasok. O kaya isipin mo yung nakakainis na nangutang sa’yo na hindi pa nagbabayad. Pwede ka ring mag-cellphone habang si misis ay nakaibabaw sa’yo para ma-distract ang utak mo.

    tips para matagal labasan pin
    7 Tips Para Matagal Labasan ang Lalaki

    4. Huminga nang malalim (deep breathing).

    Another tips para matagal labasan ang lalaki, huminga nang malalim o mag-deep breathing. Kapag humihinga kasi nang malalim, nag-ooff panandali yung ejaculatory reflex kaya naman nakatutulong ito upang hindi ka mabilis labasan. Mag-inhale o lumanghap ng hangin. Bumilang ng 3 segundo bago i-exhale o ibuga ang hangin. Ulit-ulitin ito sa tuwing sa tingin mo ay lalabasan ka na.

    5. Maghanap ng posisyon na hindi ka gaanong nakaka-stimulate.

    Sa paraang ito, kailangan ang kooperasyon ni misis. Kailangan niyong maghanap ng posisyon na hindi gaanong mai-stimulate si mister para naman siya ay makatagal. Subukan niyong dalawa ang mga sex position dito: 12 Sex Positions to Help You Last Longer in Bed (With Images)

    6. Gawin ang pause-squeeze technique.

    Sa pause-squeeze technique, kailangan mo lang mag-pause o tumigil saglit, pagkatapos ay ii-squeeze o pipisilin mo yung ari mo kapag nararamdaman mong malapit ka ng labasan. Pwede rin namang yung kapareha mo sa pakikipagtalik ang pumisil sa ari mo. Saang parte pipisilin? Sa bandang dulo ng ari.

    7. Gumamit ng mga gamot pampatagal labasan.

    Maraming gamot na pwedeng gamitin para hindi ka mabilis labasan. Merong mga iniinom, merong pinapahid, at meron ding inii-spray. Ayon kay Dr. Ryan Neal Salapa, pwedeng magpahid ng lidocaine cream para medyo mamanhid ang nerves ng ari at mabawasan ang masyadong stimulation habang nakikipagtalik. Yung ibang mga gamot pampatagal labasan ay pwedeng mabili sa botika o online kahit walang reseta.

    Pwede po kayong gumamit ng lidocaine cream para madesensitize po yung mga nerves sa ari ninyo.

    – Dr. Ryan Neal Salapa

    Paano Kung Hindi Umeepekto ang Mga Nabanggit na Tips Para Matagal Labasan?

    Sa katunayan, marami pang ibang mga paraan para masolusyonan ang iyong problema tungkol sa premature ejaculation. Kung sakaling walang isa sa mga tips para matagal labasan ang umeepekto sa’yo, mas mainam na kumonsulta ka sa doktor. Pwede kang magpakonsulta sa mga general practitioner o kaya ay sa mga urologist.

    References:

    13 Best Natural Remedies for Premature Ejaculation – Healthline

    Premature Ejaculation – Mayo Clinic

    Can premature ejaculation be controlled? – NHS

    Can masturbating cause premature ejaculation? – Pilot

    Anong gamot para lalong matagal labasan ang lalaki sa pakikipagtalik? – Buhay OFW

    Leave a Reply