Kailan Babalik ang Regla Ko Pagkatapos Kong Manganak?
Kung ikaw ay first-time mom, marahil ay nag-iisip ka kung kailan ba babalik ang iyong regla pagkatapos mong manganak.
Ang sagot dito ay DEPENDE.
Kung ikaw ay regular na nagpapasuso sa iyong sanggol, ang pagbalik ng iyong regla ay matatagalan. Sapagkat ang breastfeeding ay nagsisilbing “natural contraceptive” para hindi ka mabuntis ulit agad. Kapag kasi nagpapasuso ka, nadedelay nito ang menstruation mo.
Sa ibang mga ina na kapapanganak pa lang, hindi bumabalik ang regla nila kapag sila ay regular na nagpapasuso sa sanggol nila. Ang sanggol kasi, dapat ay exclusive breastfeeding hanggang sila ay mag 6 months old. So if ganito ka katagal mag-breastfeed, posibleng hindi ka magkaroon ng regla within 6 months.
Pero kung ikaw ay nag-foformula feeding lang sa iyong sanggol, ang iyong regla ay babalik agad within 6-8 weeks (o mas maaga pa) kung hindi ka nagpapa-breastfeed.
References:
How soon will I get my period back after having my baby?
What to Expect from Your First Period After Pregnancy
paano po kung mixed at hangang ngyun nag spoting na lang ako tapos ilanb araw nmn mawawala then mga 3 days bago ulit ako mag spooting
Okay lang yun. Matagal talaga bago bumalik sa "regular" na daloy ang regla mo pagkatapos manganak. Pero baka naman yung "spotting" na sinasabi mo ay hindi pa talaga regla, kundi yung mga dugo-dugo pang natira sa loob ng katawan mo.
bket po ako 1 and 2 weeks na ako nkapag anak my dugo npo lumalbas skin
“Pero kung ikaw ay nag-foformula feeding lang sa iyong sanggol, ang iyong regla ay babalik agad within 6-8 weeks (o mas maaga pa) kung hindi ka nagpapa-breastfeed.”
Hi 5months n po baby q at mix feed po aq skanya pag formula at breastfeed po pero until now wala pa po aq regla ..normal pa po ba un ?
Nag-pipills? Kung nag-pipills at breastfeed, kadalasan hindi agad nireregla.
Bakit po aq 7mons na baby ko nd pako nakakaregla..nd nman po aq preggy
Kung exclusive breastfeeding ang baby mo, matagal ka pa talaga magkakaregla. Pag nagtigil ka magbreastfeed, babalik regla mo. Natural contraceptive method kasi ang breastfeeding. Maigi nga yun.
Eh bakit may nagpapa breastfeed tapos isang buwang lang simula noong manganak sila ay preggy na ulit?
Hindi regular yung intervals ng pagpapasuso. Kaya hindi gumana ang LAM method.
Hello Po good day , Tanong ko lng Po may tendency Po ba na mabuntis Ang babae kahit na Hindi pa nadadatnan simula Nung nanganak? 1yr and 2months na Po Yung baby ko pero Hindi parin Ako nadadatnan . Breastfeed Po at Minsan nag bottle feeds din . Salamat Po sa saGot .
Yes, meron. Hindi na effective ang LAM method after 6 months.
pwede po ba regalahin agad kahit 3weeks and 5days pa lang??tumigil po ako agad sa breastfeeding.
Oo pwede. Ako, parang mga 4 weeks, bumalik na regla ko kasi hindi na ko nakapagpa-breastfeed.
Pano po yung tumigil ng mens ko after. 1month ni baby? 2months po ako nagmens non tas tumigil ngayun.
Pahelp po!
Kung nagpapa-breastfeed ka nang mas madalas after mag-1 month si baby, possible tumigil ang mens. Much better, magpa-consult sa OB.
Pano po kung ang dugo po at huminto ng 1day then bumalik din po kinabukasan yung natural na dugo po meanstration na po ba yun
ask ko Lang ma nGa momies.
Fede ba mabuntis kahit Hindi pa ni reregla after ma nganak
Kase ako 1month Pa lang baby ko my nang yare na samen. Nang asawa ko tapos hanggang ngayon di pa ako nag kaka soon nang means
Pag ramdam mong regla na siya, yun na yun. Yung natirang dugo na lumalabas pagkapanganak, iba yung itsura at pakiramdam nya kesa regla. Iregular talaga pag unang menstruation pagkatapos manganak.
Bottle feed at breastfeed ako natural lang ba na ma delay ung regla ko .nagka regla na kasi ako last month bakit ngayong month d dumating sa expected date ng regla ko..
Sa ibang mommies, hangga’t nagpapasuso, na-dedelay ang regla. Pero may possibility din na pregnant ka. Try mo momsh mag-PT lalo na kung nag-do kayo ng mister niyo last time at walang protection.
5momths napoo yung bby ko pagkatapos ngayun dinogo ako peru hindi normal ang hina lang nya hindi tung normal lng na dugo
Humihina talaga ang regla kapag may mga anak na. Kung worried po kayo at may nararamdamang ibang sintomas, magpa-checkup po kahit sa health center lang.
Pwedeng mabuntis.
hello mga momies..worried kasi ako first time mom.cs po ako 2 months na ung baby ko may nangyari smin n hubby then kinabukasan dinugo nko as in ang dami regla ko na po ba un?
First time mo lang ba dinugo after nung na-CS ka? Breastfeeding ka ba?
hello po ask ko lang po after 1 month po pagkapanganak ko nagkaron po ako pero sobrang hina po parang diko alam kung spotting . at delay po ako ng 2 months tas mahina po ang regla ko ngayon . normal lang po ba iyon?
Normal lang. Pag nanganak na, humihina kadalasan at umiiksi ang araw ng regla. Kung noong dalaga ay 7 days nagkakaregla at malakas ang daloy, kapag nanay na, possible 3-4 days na lang at mahina ang daloy.
ako po 1yr and 4months na baby ko di pa ko nagkkaregla. posible po ba na mbuntis ako?
Hello Po ask ko lang Po sana if Anu findings sainyo at kung Anu tine take nyong gamot same case Po Kase Tayo ..nag men’s nmn Po Ako after ko manganak pero Nung bigla Po Ako nag stop mag breastfeed nag stop din Po ng paunti unti menstruations ko.
Hi po ako kasi July 12 nanganak, then Aug. 1st week niregla ako. Pero yun na po last regla ko until now 7months na po baby ko di pa po ako nireregla, breastfeeding po ako. Bakit po kaya ? Normal pa po ba yung ganito. Possible po kaya buntis ako ? Maliit nman tiyan ko wala nman sintomas na buntis ako.
Ganyan talaga pag nagpapa-breastfeed. Karamihan hindi dinadatnan or iregular datnan. Para sigurado, mag-PT po.
Posible pa rin pong mabuntis.
Ask ko lang po.
4months na po baby ko tapos nag breastfeeding po ako , hindi pa po ako nireregla hanggang ngayon at may nangyari na sa amin
Maari ba akong mabuntis kahit hindi pa nireregla at nagpadede ako?
Kung exclusive breastfeeding, wala kang binibigay kahit tubig, hindi ka mabubuntis hanggang 6 months. Ang tawag sa birth control method na ginagawa mo ay LAM. Pero 98-99 percent lang effectivity nito. ibig sabihin, may 1-2% ka pa ring pwedeng mabuntis.
ako po ahmmmm hindi po ako nag be breast feed and nov.8 pako nanganak feb na ngaun pero wala pakong mens may nangyayari na din po samen ? buntis po kaya ako ?
naalala ko din po na medyo may light na blood flow ako di ganun kalakas akala ko regla na po, but nakita ko sa reaserches ko ang about sa lochia and how it looks like. kaya naisip ko baka lochia lang yun. wala po ako idea ee. after that po hanggang ngayon wala parin po buntis po kaya ako ? kinakabahan po kasi ako.
Kung katitigil mo lang magpa-breastfeed ngayong buwan, usually babalik ang regla after 2-6 weeks. If hindi pa rin bumabalik at nakakaramdam ka na ng sintomas ng pagbubuntis, try mo na mag-PT.
Yung lochia, yun yung tawag sa mga tira-tira mong dugo na lumalabas after manganak.
ako po mag 3 months na po ako wala mens kaso po ung doctor ko pinainom na ako ng pills may nangyari na po sa amin ni hubby may posible po ba mabuntis ako.
Mga mommies , ako po mag 8months ng hndi dinadatnan pro po nag stop ako ng breast-feeding 1month ago , until now wla p rn ung mens ko .Then nag take ako ng pills na kht dpa nagkamens assurance pra hnd ako mabuntis pro hnd prin ako sure
Posible kung hindi ka on-time lagi uminom ng pills.
Babalik din mens mo after 6 weeks. Max na ang 2 months. Pero may kilala ako, after 3 months pa bumalik mens niya noong nag-stop siya magpa-breastfeed. Ikaw lang ba ang nag-take ng initiative na uminom ng pills or inadvise naman sayo ng doktor mo?
Pede po ba mag pills breastfeed po ako para lang masure di buntis
Depende sa ipapayo ng OB mo. Yung iba, nagrereseta ng pills. Yung iba naman ay hindi.
Hndi po, ako lng po nag take kc natatakot ako uli mabuntis . Advisable kya un? Thanks
Pwede naman mag-take ng birth control pills ng wala reseta. Pero much better sana kung hinintay mo munang magka-regla ka noong nagtigil ka magpa-breastfeed, or nag-try kayo ng ibang contraceptive method gaya ng condom. Isa kasi sa side effects ng birth control pills ay pagka-delay ng regla. Hindi mo tuloy malaman kung bakit wala ka pang mens – kung dahil ba sa buntis ka, o dahil lang sa side effects ng pills. Pero para hindi ka kakaba-kaba, try mo mag-PT lalo na kung sa loob nilalabas.
7 days plng ako nag tetake ng pills before ako galawin no mister ..withdrawal gngwa nya .is it possible to get pregnant? Kc hnd parin nag kakaron after giving birth tpos ngaun lng nag take ng pills nagalaw pro withdrawal
Depende po sa klase ng pills. Pakibasa na lang po ito: https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/ask-experts/how-long-does-it-take-for-the-pill-to-become-effective
hello po . ask ko lang po nanganak ako ng nov 2. but until now po dipa ako dinadatnan . Exclusive Breastfeeding po ako . 4months na po Baby ko . thanks
Hello po. Ask ko lang po nagpapabreastfeed po ako and nagpapadede po sa bottle mix po. Then 2months na Po si baby at nagkamens po ako ngayon pero nagtatake po ako ng pills. Diba dapat.po di na ako reglahin?
Ganon po talaga pag exclusive breastfeeding. Hindi talaga agad magkakaregla. Pag nagpapasuso kasi, tumitigil mag-produce ng egg cells at mag-ovulate yung obaryo ng babae kaya hindi nireregla.
Since hindi ka exclusive breastfeeding, magkakaregla ka talaga agad. Sa pills naman, depende yun sa katawan ng babae. Yung iba, hihina lang ang regla. Yung iba naman, nawawalan talaga ng regla nang tuluyan habang nagtatake.
Tanung ko lang po.. Nanganak asawa ko nag novemver 17 2018 .. At may lumabas na dugo ng january 1 2019 regular regla naba yun. At ngayun march na di pa dumadating yung mens nya.. At may nangyari din sa amin nung january.. May posibiidad ba sya na ma buntis? At nagpa breastfeeding po sa hanggang ngayun.
Mabilis lang ba natapos pagdurugo (yung mga tira-tirang dugo) nya noong November? Kung natapos agad at ilang linggo na siyang hindi dinurugo, tapos biglang nagkadugo ulit, malamang ay regla na yun. Basta pag niregla na ulit, may posibilidad na laging mabuntis kasi nag-oovulate na ulit ang babae. Kahit pure breastfeeding siya sa anak niyo pero nagkaregla naman din agad, pwede na ulit siya mabuntis. Kung nakakaramdam siya ng sintomas ng pagbubuntis, try niya mag-PT.
Ako po nanganak ako nong nov 29 nag bleeding ako tas nagdugo ako til january 3 nagpump po ako mula nanganak till january 3 din inistop kona until now dpa ako nireregla. normal lang po ba yon?
Possinle b na madelay kpg nagppabreadtfeed khit na dti nmn n regular ang menstruation
Yung pag-pump ng breastmilk, parang breastfeeding na rin yun. Usually dapat babalik na regla mo within 6-8 weeks (or 2 months). Pero may kilala ako 3 months na siya bago ulit nagkaroon nang inistop nya ang breastfeeding. If hindi pa rin bumabalik regla mo hanggang 3 months, consult OB or try mo mag-PT. Baka kaya hindi na bumabalik is baka nag-conceive ka na ulit.
Oo, nadedelay talaga mens pag nagbreabreastfeed.
Ask ko lng po nanganak po ako nung january 11 2018 pero hanggang ngayon dipa aku dinadatnan 1 year and 2 months na
Nag bebresfeed po ako sa anak kaya 1year and 2months na hindi pa ako dinadatnan my posible po bang buntis na ako
Normal lang po yun kung breastfeeding kayo sa inyong anak. Hanggang 2 years pwedeng hindi magkaroon kung exclusive breastfeeding.
May posibilidad. Habang tumatanda ang bata, unti-unting humihina ang breastfeeding bilang contraceptive. Halimbawa, pag 3 months, zero possibility na mabuntis ka. Pag 6 months na, 6% ang tiyansang mabuntis ka. Patanda nang patanda ang bata, mas lumalaki ang percentage na mabuntis. Para sure, mag-PT ka lalo na kung nakakaramdam ka ng sintomas ng pagbubuntis.
Hello po nanganak po ako nung feb 12 at dinudugo po ako until nung 1st week ng march my nangyari ssmen ng mr. Ko at meron syang nailabas sa loob ko na konting sperm nya posible ba na mabuntis ako ? And until now hindi ko alam kelan ang mentration ko ulit. Hindi ak breast feeding. Please reply
Nanganak po ako nung nov. 20 2018 then nagkamens po ako jan 1-10 2nd mens kopo feb.12-16 tapos ngayong march 17 na wala padin hindi po ako breastfeed normal lang po ba na ganyan menstruation ko ? Possible po kayang buntis ako? Pero nag pt naman na po ako negative naman results
May posibilidad pong mabuntis, lalo na kung hindi ka breastfeeding. Pero kung kakapanganak mo pa lang noong Feb. 12 at hanggang 1st week ka ng March dinudugo (yung tira-tirang dugo sa katawan), yung menstruation mo ay pwedeng bumalik agad after 1 month since hindi ka naman breastfeeding. Pero kung wala pa rin menstruation mo, try mo mag-PT.
Kailan po ba may nangyari sa inyo? Kung may nangyari sa inyo ni mister mo 1 week before or 1 week after ng menstruation mo, maliit lang ang tiyansa na mabuntis. Since kapapanganak mo pa lang noong November, minsan talaga nauuna or nadedelay ang mens. Pero kung nag-aalala ka pa rin, PT ka ulit next week. 7-10 days kasi ang buhay ng sperm cell kapag nailabas na sa loob ng babae.
Tanong ko lang po kakapanganak ko lang po nung feb 19 nag papadede po ako ngaun po tuwing gabe ko nlang po sya pinapadede saken binubote ko nlang po sya tuwing umaga hangga hapon pwde na po ba ako mag take ng pills hndi pa po ako nireregla??
pwede po b ulet mabuntis,agd pgktpos manganak?.. ksi po nanganak,ako,ng feb 14 tpos,po nag make love,po kme nung feb 27… possible po b un.
hello po.. tanung ko lng po..kappanganak ko plng po nung feb 14 at dinudugo prin po ako hgang 1wik ng march. my nangyari po smen ng asawa dat time… my change po b ako mabuntis nun.?tpos po nung march 19 20 21.. meron po nalabas skin na konting dugo..anu po ba un mens na or sign ng spotting… pki sagot nga po pls.. asap thankyou po
Depende sa ipapayo ng OB mo. Yung iba pinagtatake ng pills, yung iba hindi.
Pwedeng mabuntis.
May chance na mabuntis. Hindi ko rin masasabi kung mens yun. Kung parang manakit-nakit puson mo nung lumabas yun, posibleng mens. Noong ako kasi, ramdam ko kung mens yun o kung tira-tirang dugo pa lang din after manganak.
nacconfuse po ksi ako.. ksi po lumakas po ksi ung mens ko,nung nka inum po ako ng lagundi.. kung my chance po ako mabuntis nun.. my posiblity po kya n nkunan ako… ksi po ang lakas ng dugo until now
Lalakas talaga regla mo pag uminom ka ng lagundi. Yung lagundi kasi, pwedeng halamang gamot yon pamparegla.
Eto signs ng miscarriage. Kung wala ka namang nararamdaman diyan, wala ka dapat ipag-alala. Sadyang malakas ang unang regla after mong manganak.
– Mild to severe back pain (often worse than normal menstrual cramps)
– Weight loss
– White-pink mucus
– True contractions (very painful happening every 5-20 minutes)
– Brown or bright red bleeding with or without cramps (20-30% of all pregnancies can experience some bleeding in early pregnancy, with about 50% of those resulting in normal pregnancies)
– Tissue with clot like material passing from the vagina
– Sudden decrease in signs of pregnancy
Pa advice lang po ..
March 5,2018 ako nanganak then May 2018 tumigil pagreregla ko take po agawd ako ng pills kasi nga po takot akung mabuntis ulit then March 21,2019 tinigil ko po pag pipills ko kasi hanggang ngayon dipa po ako nag kaka regla
Side effect ng pills ang hindi magka-regla.
Pa advice po hnd po ako exclusive breastfeeding pero after 4 monhts nagkaregla ako hnd rin po ako nag tetake nag pills after 2weeks pagkatapos nag regla k may nagyari po sa amim n mister pero withdrawal po km that time dz month d pa po akp dinadatnan regular nmn po ako magregla may posibilidad po bang buntis ako
Hello po, ask ko lang nanganak po ako nitong march 15, then lumabas na po ako ng hospital ng 19, C-section po ako, normal po ba na duguin parin ako, tas nung 24 nag stop bleeding na po ukit sya. Then now po bigla na naman po ako dinugo, ano pong ibig sabhn nun? Thank you.
Hello po ask ko.lng po nanganak po ako ng feb09 tas ng ng end un.pgdurugo ko ng bndang mgkktpusaN ng march my nanyre samin ni hubby march26 sa loob nya nailabs may possibility kyang mbuntis kht d pa ako ngkkamens tlga kc un pagdurugo ko kunti lng at d rin.maskit kya d cguro d pa un mens ko …salmt po ng mrme
Ask kolang po nanganak ako ng feb13 ..natapos po ang spotting ko ng march 19 tapos march 22 ang dami ko nang dugo mens po ba un tapos may nang yari na samin ni hubby mabubuntis poba ako if ever
Basta may pagtatalik na naganap at walang contraceptive, laging may posibilidad. Pero share ko lang. Pag nanganak na, ang menstruation ay hindi na gaya ng dati na laging regular. Minsan mas maagang dumarating. Minsan late dumarating. Pero kung nakakaramdam ng sintomas ng pagbubuntis, try nyo po mag-PT.
Kahit CS, dinudugo. Normal lang yun. Merong ibang CS moms na ganyan. Titigil ang pagdurugo, tapos duduguin ulit. Hindi pa tapos ilabas ang natitirang dugo. Para sure, itanong sa iyong OB.
Hi. Kahit po hindi pa bumabalik ang regla pagkatapos manganak, may posibilidad pong mabuntis pa rin kayo. Kasi nag-oovulate na po ang babae bago pa man bumalik ang regla. Pero kung ikaw ay exclusive breastfeeding sa iyong baby, kahit sa loob inilabas, mababa ang tiyansa na ikaw ay mabuntis. Basta po lagi nating tandaan, basta may pagtatalik na naganap at walang contraceptive, lagi pong may posibilidad mabuntis. Try niyo po mag-PT para ma-check, lalo na kung nakakaramdam kayo ng sintomas ng pagbubuntis.
Exclusive breastfeeding ka ba sa iyong baby? Kung oo, baka hindi yun mens. Kasi pag nagpapa-breastfeed, mga 6 months pa usually nagkakaroon ng mens. Kung mix feed ka, posibleng mens. Hindi ko masasagot kung mabubuntis ka. Kulang info. Basta when in doubt, mag-PT.
nagkaroon na po ako kaso ang tagal po bago mawala halos mag two weeks na po ko nireregla pero konti konti lang lalakas lang ng bahagya pag buhat ko bb ko first time mom po ako nanganak po ako jan. at last week ng march nagkaroon
sana po may sumagot kinakabahan po kasi ako
First regla after manganak ay matagal talaga usually. Noong nanganak ako, first regla ko ay umabot ng 17 days. Kung may nararamdaman kang kakaiba o nanghihina ka, pa-checkup.
Hello po 3 months na po baby ko. Hanggang ngayon di pa po ako nireregla. Ngppa breastfeed po aq at ng ppadede xa bottle, mixed po. At may nangyari na po samin ng hubby ko. Ask ko lng po posible po b ako mbuntis? Slamat po xa pg sgot
1 mos na baby ko pero di pa rin ako niregla..nagtatalik pero widwral po
Pano din po kung halo? Pero mas sa gabi lng sa nag formula ngyn bnbwasan kona sya sa formula tpos ngyn parang regla na umihi ako may dugo kahapon kse konti lang.
Basta sa loob nilalabas at walang contraceptive, laging "may posibilidad" mabuntis, lalo na at ikaw ay hindi exclusive breastfeeding.
If exclusive breastfeeding at lagi pinapasuso si baby every 2-3 hours, napakaliit ang tiyansa na mabuntis. If hindi, mas malaki ang tiyansang mabuntis.
ako po ligate na mag 3 months na d nireregla nasalinan din po ako ng dugo 2 bag bat po kaya wala pa ako regla pwede pa ba mabuntis
january 24 2019 po ako nanganak at nagpaligate n din po. Hnggang ngaun po d pa po ako nagkakaregla. Ndi din po ako nagpabreastfeed. kelan po kaya bblik ang regla ko?
Hello po ! Kaka-6 months palang po ng baby ko nung April 21, kailan po ulit babalik ang regla ko ? O maaru po akong mabuntis agad kahit hindi pa ako nireregla ?
ask kolang po. Kasi nagwoworried poko baka mabuntis ako kasi? april 1 nanganak ako tapos 2weeks and3days may nangyari na samin ng hubby ko pero nagmix poko ng Umaga hanggang hapon,pero pagdating ng gabi Nagbreastfeed ako. Tapos nung may nangyari aamin ng hubby ko ng kinagabihan nun. Tinuloytuloy ko ulit ang pagbebreast feed ko! Hanggang sa 2days bago ko makabili ng pills para matuloy ang Pagmimix ko? Possible bang mabuntis ako nun? pls
Sana may makapansin pls
Sana may makapansin, nanganak po ako nung feb 15 2019 tapos nag do po kami ng april 16 and dinugo po ako ng malakas ng 1day tapos april 25 dinugo po ulit ako ng malakas posible po ba na regular mens na yun, breast feed po ako sa araw tapos formula milk sa gabi
5 months na PO baby PO pero hanggang ngaun hind paren PO ako nireregla , breastfeeding den PO ako, at my nangyare na PO samin Ng husband ko, pero khit widrawal PO ba Ang ginagawa namin Ng Asawa ko maari paren PO b akong mabubtis?
Kumonsulta na po kayo sa OB-GYNE. Kahit na-ligate na, dapat may menstruation pa rin. Kapag na-ligate na, 1% na lang ang tiyansang mabuntis.
Since ilang buwan ka nang walang menstruation, kumonsulta sa OB-GYNE. Hindi ko rin masasabi kung kailan babalik regla mo.
Hindi ko alam kung kailan babalik. Depende sa maraming factors gaya ng pagbreabreastfeed, pagtatalik ng walang contraceptives, etc. Pwede kang mabuntis kahit hindi ka pa nireregla.
Kapag hindi purong breastfeed at sa loob nilalabas, laging "may posibilidad" mabuntis. Para mawala ang kaba, kung may nararamdamang senyales ng pagbubuntis, mag-PT.
Posibleng menstruation na yun lalo na at mix feed ka.
@Jean Maliit na tiyansa lang kasi pure breastfeeding ka at withdrawal naman. Ang breastfeeding ay natural contraceptive method hanggang 6 months.
Magiging regular na po ba ang mens ko pagkatapos manganak? Nag mens po ako ng april 2 pero hanggang ngayon dipa ako dinadatnan ..may nangyari po sa amin ng asawa ko pero withdrawal naman po maari po ba ako mabuntis?
Sana mapansin po
bakit po ako 9months na po baby Hindi parin ako nireregla Hindi naman po ako breastfeed formula po ako Simula Kong nanganak ako
Hello 1 month and 8 days Na po ako ngayon after ko manganak .. my nangyari sa Amin ng asawa ko possible ba ma buntis ako ?? Wala pa ko regal hnd rn ako breast feeding
Hi mga mamsh first time mommy po ako . breastfeed po ako pero minsan nman pinapadede ko c baby ng formula pero bihira lang mas nag bebreastfeed parin ako ask ko lang po 4 months na po kasi c baby 1 month palang po c baby may nangyare na po samin ng husband ko then hanggang ngayon wala parin akong mens posible po ba na buntis ako? Withdrawal naman po kmi ng husband ko nanganak lang po ako nung january
Sana po mapansin nyo please
Hello po.hindi po ako nagpapasuso.first time mom.nanganakpo ako noong march 22,2019 tapos tumigil ang paglabas ng mga tira-tirang dugo ko noong 2nd week or 3rd week ng april.tapos nagmake love po kami ng mister ko ng april 29,2019 pero withdrawal po.tapos april 30 or may 1 may lumabas na dugo,natapos noong may 6 ng umaga,tapos noong may 8 may lumabas na naman pero kunti lang.regla po kaya iyon?
Pure breastfeeding ka ba sa iyong baby? Kung oo, napakaliit lang na tyansa ang mabuntis. Kung hindi, malaki ang tyansa na mabuntis kahit withdrawal. Kadalasan, iregular pa rin ang mens pagkatapos manganak.
Baka naman nag-pipills ka na? Side effect ng pills ang hindi pagkakaroon ng regla sa ilang kababaihan. Kung wala ka namang ginagamit na kahit anong contraceptive, magpa-checkup ka na.
Posible po.
Kung madalang ka lang magpa-inom ng formula milk, hindi ka siguro buntis. Pero kung may nararamdaman kang sintomas ng pagbubuntis, mag-PT.
Posible pong regla pa rin. Kadalasan, pag bagong panganak, inaabot nang mas maraming araw ang unang regla.
1 year and 6 months na baby ko
Wla pdn ako regla simula nun.. Breastfeeding po ako.. At mdyo mahina na milk ko. May possible ba mabuntis ako.. At feel ko lumalaki tummy ko at may nakakapa ako minsan na prang bukol.. Nag pt po ako tanghali po un may kinain na ako pero negative nman po..pwd po ba ako mabuntis nun. Sana mapansin.. Slamat
Hello po ask ko lang po nanganak po ako april 24 tas isang buwan din ata nawala ang pagdugo ko.. tapos ngayon june may dugo po lumabas pero mhina lang .. regla na po ba to? Mixed feed po ako
Hello po. Normal lang po na, 1 week lang dinugo after manganak? Via Cs delivery po ako.
Pa sagot nman po kse 1month q na po natigil sa pag papa breastfeed anak q 1yr.and going 2months n po xa sa Oct.12 hindi parin po aq nag kaka menstruation may posibilidad po b na buntis aq ? O intayin q lng po ba magkaroon aq?
What do u mean po NA possible parin po mabuntis?
Hello po nagkaron po ako ng sept at aug pero parang spot spot lang po pero netong oct wala pa po ako at breastfreeding po ako may nangyari po samin at pinutok nya sa loob tapos dipo ako uminom ng pills pwede poba ako mabuntis?
Sana po mapansin
Hoy
Hi po pure breast feedng po ako at 1/6months n po baby k pero wala wa po akong regla batueal lng po ba un
hello po nanaganak po ako ng july 10 2019 3moths na mg 4months na si baby pero breastfeeding po din dpa ako niregla normal lng po ba un? din my ng yari na po aa amin ni mister?mabubuntis ba ako natatakot po kse ako?
Ask klang po! Normal bang iregla yun bagong panganak after 1month kahit breastfeeding .
Salamat ��
paano po if nakakaramdam ka ng symptoms of pregnancy kahit na hindi pa bumabalik ung period?
hi po..ask ku lang po if possible po b mabuntis ako kahit breastfeeding?
may 6 this year po ako nanganak..tapos gang ngyn po di p po ako dinadatnan..may nangyari po sa amin ng hubby kl last oct18 then days after po parang naexperience ku n po ung mga symptoms of pregnancies..panu ko po malaman if pregnanat ako o hindi? thanks po
Pure bf po acu dpa cu ng ka mens cmula nung nanganak acu 1 year and 3 mos. Na po c baby my possibility po ba na mbuntis acu?
hello po. 2months na ksi baby ko since di naman poko nagpapadede aug poko nangank tapos nagpadede ako ssglit lang mga ilang araw o linggo lang po. tapos tumigil nako until now po wala padin akong regla. wala naman pong nangyare samin ng asawa ko. hindi naman nya pinapasok. dinidikit nya lang po. possible pobang mabuntis ako? wala padin pokong ginagamet for family planing. salamat po. nagwoworry po ksi talaga ako
Hello mga Mamsh Ask kolang po kasi bfeeding mom din ako mixed po si baby sa bote saka sakin dumedede pero bago sya mag 3mos niregla nako.
Yes sis Cs dn ako halos 2mos ako may dugo after manganak
Hello po,, ask ko lang ako po kasi regular nagpapabreastfeed at di po ako nag aayuda ng ibang gatas, pero ito po kaka 1 month old pa lang ni baby noong november 20,2019 eh ngayon po november 24, may regla ako at malakas, normal lang po ba kaya iyon? Normal dilevery po ako. Ngayon po kasi nagwoworry ako.
Good day po, natigilan po ako ng lochia ko 3weeks after kong manganak, but nag 1 month na c baby nitong nov.20, but now i have a menstruation here's my question, normal po kaya na magkaregla agad kahit 1 month old pa lang ang baby ko?
hi po kinakabahan na po ako 1month palang nakakalipas may nanyare na samin ng aswa ko hindi pa ko nireregla pero hindi nman po nya pinotok sa loob possible po kaya mabuntis ako , pasagot po plsss
gusto ko lang po malaman , answer po plsss
Pagtuloy tuloy po ba ang pagpapa breastfeed hindi po ba magkakaroon ng menstration.?
Hello maam ask ko lang po..kakapanganak ko nung oct24 2019..den mga 3weeks na c baby may nangyari na po sa amin ng partner ko.nagbreastfeed ako..minsan bottle po..maari po bang mabuntis ako..
Hi po mag 5month palang po baby ko dalawang bisis lang po ako nagkaperiod pagkapanganak ko tapos non wala na possble po bah na mabustis ako
Nanganak po ako nung oct. 18,2019 via cs d po ako nkpagbreast feed kc namatay po baby ko but until now ala prin po ako regla no contact din kmi ni hubby normal po ba un?
Hello po ask ko lang po nanganak po ako nung august 1 niregla ako sept nagpt ako nung nov positive sya huhu pero mula sept till now ganun parin ang tyan ko dec na bali 3 mos na huhu sana hindi ako buntis wla nman akng naramdaman kahit anung sintomas ng pagbubuntis pero natatakot po ako help ne namn po
Hindi nman po lumalaki ang tyan ko yung mumurahing pt ang ginamit ko posible po bang nagkamali ang pt?
ako po 4 mos nag stop na ako bfeeding, and nung before mag 6mos nag karegla na ako. Dec. 14, tapos ngayon di pa ako dinadatnan.. bale dapat kahapon.. Kahit po ba di ako nag pa bfeed or exclusive bf dati.. basta po nanganak na kahit regular mens ko dati magging irreg na ngayon?
Yes, malaki ang tiyansa na maging iregular ang mens lalo na kapag nanganak na. Pwede madelay o pwede umadvance.
Ask ko lang po kung may posibilidad bang mabuntis ako kahit sa labas nya inilabas yung sperm, kahit na hindi pa aq dinadatnan. 3weeks palang after kung manganak tapos may nangyare saamin
Hi po.. tanung ko lng po.. may22 2019 ako nanganak then bumalik ung regla ko dec 28 – jan 1.. my nang yari sa amin ni mister jan 2 2020 then jan 25 may nang yari ulit sa amin.. before and after yun dba until now di prin ako niririgla.. pru minsar nangagalay ung puson ko parang desmi..
May posibilidad, pero napakababa lang.
Kung nilabas sa loob noong Jan. 2, safe ka pa. Pero kung noong Jan. 25 at sa loob nilabas, mataas ang chance na mabuntis ka.
Good day po,ask ko lng po sept 2019 nanganak ako via CS then nov-jan.bumalik n as regular mens ko pro ds feb 1 week nko delayed,breastfeed po ako tuwing gabi may work po kc ng araw..calendar method po kmi ni hubby,malaki b chance n buntis nko?nttkot po ako kc mag-6 months p lng ni baby..
Hi po….ask ko lang po.I gave birth last Jan 1 Cs.then nagstop mens ko 1st week of Feb.totally wala na.Then Feb 18 pagligo ko…may spot ng blood sa panty ko.The next day medyo marami ng kunti but not that sobrang dami.bale ngaun…3rd day na spotting ko?
Ask ko Lang po , Breastfeeding mom PO ako nanganak ako oct.9 2019 tapos nagkaroon n po PO ako Ng period January 23 , tapos ngyong Feb.wala pa po ko ? My posible po Kayang buntis ako ? Khit breastfeed Naman ako.
Sana po mapansin Ang tanong ko salamat po
Ask ko lang po, kakatigil q lang mag breasfeeding nung mga last week ng January, pero ngaung buwan ng feb di pa aq nagkaka regla may possible po ba na buntis aq? minsan kz sinisikmura ako.thanks
Ask ko lang po pano po kung sa labas nilas nmn pinut*k? Exclusive po ako nagpapadede ngayon kaso nangangamba padin ako na baka may possible na mabuntis po kaya yun wala ako ginagamit na contraceptive.
Sana may makapansin plss need po ng kaliwanagan. I
Hello po ask ko lang po feb 11 2020 nanganak nako march 9 may ngyari smen ng hubby ko (withdrawal) wala pang 1month , tpos yung dugo na lumalabas sken patak patak nalang nung araw na yun hnggang ngyon wala ng dugo at hndi pa ako nirregla . Posible po bang mabuntis ako ??
Ask lang rin po, mixfeed po kami ni baby. Nung 1 and a half month si baby nagkaroon na po ko ng menstruation nung march 6 2020, and tumagal lang po ng 6 days.
Ngayon pong march 24,nagkaroon po ulit ako ng dugo, parang tag habol po yung dugo ganun lang siya kakunti.
Pero nag do po kasi kami ni hubby kahapon, pero walang ginamit na contraceptive. Withdrawal lang po. Ano po kaya possible kung bat ako may dugo ngayon? Sana po may makasagot thanks.
ask lang po.. yung asawa ko nov21 nanganak tapos january 5 nagkameans na sya. feb 22 nagkameans po uli sya.. ngayong march po dipo sya dinatnan.. walang halong bastos po pero nagamit kupo sya wala papo syang gamit na family planning pero widrawal po ako.. nagiisip po sya natatakot qc dpa sya hnda naiistress/depress po.. pusible po kaya na buntis sya?

please po sana po mapansin nyo po ang comment ko.. thankyou in advance po



sana po mapansin nyo 2
3months n po baby ko ngtatalik nrin po kmi ng husbi ko sa labas nmn po hindi sa loob .. normal lng po ba sumasakit ang puson???
Normal lang sumasakit ang puson. Nagrerecover pa katawan mo pagkatapos manganak. Pero para sigurado, consult with your OB.
Hi po Sana po mapansin nyo questions ko. Mag5months na po ako nanganak 6weeks po nagkaregla na ako regular naman po ako magpadede malakas po gatas ko noon tapos nagsex po kasi husband ko no March 16. Dapat po March 17 magkakaron na ako hanggang ngayon Wala pa po ako regla tapos parang umunti po gatas po buntis po Kaya ulit ako? Thankyou po
If April 16 wala ka pa regla, PT ka na. Masyado na kasi delay. PT lang talaga makakasagot kung buntis ka o hindi.
Pasagot naman po. Nag 1year na po baby ko last january tas next day nagkamens nako pero pag february hnggng ngayon hindi na ulet ako dinatnan.normal pa po ba yun o buntis nako.pure breastfeeding po ako. thanks po.
Hi po ask ko lang po, nanganak po kasi ako ng feb 3 cs after 3weeks nawala po ung pagdudugo ko, tapos nag kkaroon ulit tapos mawawala, tapos po 4 weeks may nngyari na po samin ng hubby ko, tapos po dinugo po ako ulit konti tapos mawawla ,tapos after 2 weeks po march 20 dinugo na namn ako pero 7days po. Bagu maalis at may buo pong lumabas, tapos po nung nawala na dugu ginmit ako ulit ni hubby we used condom,,kapag namn po di nagamit ng condom nillabas namn po di po sa loob, nyon po 21 na di parin po ako nag memens nattakot po kasi ako, posible po ba mabuntis ako?? Sana po mapansin
Pwedeng buntis ka na. Ang breastfeeding, effective lang yang contraceptive kapag 6 months old pa lang ang bata. Para sure, PT.
Pwedeng buntis, pwede ring hindi. Mayroon kasing premature ejaculation na tinatawag. Yung tipong hindi namamalayan ng lalaki na nilalabasan na pala siya. Nakakabuntis pa rin yun. Para sure, PT.
Pag po ba mixfeed ndi agad mgkakaregla .cmula manganak kc asawa ko dpa sya ngkakaron 6months na bby bby
Hi. Kapag mixfeed, dapat nga ay mas mabilis siyang magkaroon ng regla kasi hindi palagi nakakadede anak mo sa kanya. Pero no worries. Iba-iba katawan ng babae.
Ask lng po magsisix months n po pangalawa ko hindi p po ako nagkakaroon normal lng po ba yun
Bakit po ako hanggang ngayon di pa po ako nag reregla? april 12 2019 nanganak ako, nag pa breastfeeding po ako ng 6months tapos halos sa bte na dumedede pero bat hanggang ngayon po di papo ako nag regla? Plsss sana po mabasa nyo to salamat godbless
hi po ask ko lang po breastfeed mom po ako. niregla po ako nung april 6 first time po ulit magkaron pagkapanganak. 7months na po c baby. inaantay ko po ulit magkaregla ko ngayung may pero hindi pa rin po ako dinadatnan . posible po bang buntis po ulit ako ? worried po kasi ako almost 2weeks napo akong delay buntis po kaya ulit ako. salamat po
Hello po ask ko lang po if normal pa po ang mag iisang taon hindi parim ako dinadatnan
Kakapanganak ko lang nung july05 2019 then until now hindi parin ako dinadatnan
Pure breastfeed po
good day po tanong ko lang october 11 po ako nanganak at breasfeed po ako sa anak ko hnggang 5months pero hnggang ngyun 7months na dipa din ako nagkakaroon at meron na po nagyayari ulit ng asawa ko pwede po ba mabuntis yun kahit na hindi pa din nagkakaroon
Hello po may concern po ako October 24,2022 po ako nanganak tapos December 19 dinugo ako di ko alam kung regla na yun tumagal din ng 4 days after that, delay ako ng 1 month ngayong January at hanggang ngayon nag aantay ako reglahin exclusive breastfeeding po ako nag PT po ako negative posible ba na buntis ako ?
Posibleng hindi po kayo buntis kung wala naman kayong sintomas ng pagbubuntis na nararamdaman. Negative din ang lumabas sa inyong PT. Kapag exclusive breastfeeding, pwedeng hindi reglahin ng up to 6 months. Sa ibang mommies, naabot ng 1 year lalo na kapag nagpipills. Sa iba naman, iregular. Minsan dadatnan, minsan hindi. Kung kutob niyo talaga ay buntis kayo, ulitin na lamang ang PT. Mas OK kung sa madaling araw.
Hi po. Ako po 6months na po after kong manganak. Nag breast feed po ako then iud po. Nakain na po baby ko then tubig po. Pwede parin po ba ako mabuntis ? Tagal kasi bumalik ng menstruation ko.. thank you po��
Pwede po bang mabuntis ulit Kung 3 weeks palang ng panganganak nakipag sex nakay mister?
Hello po. Tanong ko lang po kung mens nto. Nanganak po ako ng may3 ntpos po bleeding ko mga 3weeks then ntong june12 ngkaroon po ako ng dugo mlkas po sya prang regla, tnong ko lang po possible kaya na regla n sya? Tumagal po sya ng 6days slamat po sna msagot
ako po nagka menstruation 3 months plang po baby ko, natural lang po ba yun? 2 days lang po tinagal pure breastfeed po ko.
Tanong ko lng po 6 months na baby ko , formula milk sya and hanggang ngyon d pa din ako nireregla. Dba normal sa mga breastfeeding ang hndi reglahin ng 6 months pero how about sa formula milk ?
Eh bakit po ung asawa ko 2 months pa lang matapos siya manganak eh nagkaroon na agad.
Oo
Ask ko lang po
Ask ko lang po. 3months and 23days na si baby. May nangyari samin june27 pero withdrawal lang. Exclusive breastfeeding namn po ako. May chance po na mabuntis ako. ?
Ask ko lang po. 3months and 23days old na si baby. May nangyari samin june 27 pero withdrawal lang. Exclusive breastfeeding naman ako hanggang ngayon. May chance ba na mabuntis ?
Ask ko lang po, kapapanganak ko lang nitong may 2020 until now july na. meron parin po akong dugo. It is normal po na hanggang ngayon eh. May dugo parin ako? Hindi naman din po ako nagpapabreastfeed na..
ask lang po…nanganak po ako ng sept. 26 pero hindi pa po ako dinatnan pagtapos manganak..tpos po may nangyari na smin ng asawa ko siguro after 2-3 months na .. breastfeeding nman po ako hnggang ngayun at 9 months na po ngayon ang anak ko..thanks in advance..
Gud day poh,,nanganak po me nong April 25,2020 ..nawala po un dugo ko nung may 23 ..breastfeed po me..tapos dinugo po me june 28 pero tatlong araw lang po at spoting lang..un na po ba un mens me?
Hello po pahelp po kelangan ko ng kasagutan…one year and six months na ang baby ko pero di pa rin po ako nereregla pero dati po from one to 6 months po ako nagpadede.
Hello po ask lng po…C's mom po ako after ko mandi natapos Ang pag durugo ko.. hanggang mag two months baby ko after non Hindi n ako niregla 8 months n baby ko… Maari po b ako mabunstis ulit?
Ask ko lang po 1st time mom po ako. Nanganak po ako pag march 19,2020 CS magpa 5 months na yung baby ko next month at hindi pa din bumabalik yung menstruation ko. normal po ba to? Breastfeeding po ako kay baby
Hello po going 3 months na po baby q sa august 7 d pa ako nreregla pure Breastfeeding po ako at may nangyari samin ng asawa ko nung July 28 pero winidraw nya naman po may posibilidad po ba ako na mabuntis?at tanong ko dn po pwd na po ba ako magtake ng pills ??Please pakisagot po..Salamat sa pagtugon..
Paano po pag mix feed mas lamang ang formula bigira lang lang ang breastfeed
after ko po manganak mga 1 month palang baby ko dinatnan na po ako hanggang nag 4 mos sya tapos nag talik kami ng asawa ko after 4mos ni baby at ngayon di pa po ako dinadatnan pero exclusive breastfeeding po ako salamat ��
Hi po. magtatanong lang po ako, 2months after ko po manganak, hindi pa po ako nagkakaron ng regla, wala din naman po nangyayari samin ng partner ko. mixed feed po ako.
bakit po kaya di pa ako nagkakaron o may possibility po ba na mabuntis kahit walang nangyayari sa inyo ng partner mo?
sana po masagot niyo. maraming salamat
Pwede po ba magtanong nanganak po ako ng july1 2 weeks po akong dinugo and then after 1 week dinugo po ako ulit regla na po ba yon? Hindi pa po kasi ako nagkakaron ngayon august at nakapag talik napo kame ng asawa ko nung august 18 maari pobang buntis ako or sadyang pabahol na dinugo lang ang nangyare sakin breastfeed po ako.sana po may makasagot
Hi po ako po kasi pure breastfeed pero 1 month and 1 week na po kami ni baby pero may discharge po ako na brown at ngayon blood na po sya. Posible po ba na reglahin na ako kahit pure breastfeed?
Hello po. First time mom po. Nanganak po ako ng July 6 and until now dinudugo pa din po. Last week po, spotting na lang po na dark brown. Halos isang beses sa umaga at gabi na lang ang labas ng dugo. But ngayong week medyo lumakas ang dugo ko and naging reddish brown ang color. Regla na po ba ito? By the way, mixed feed po ako 3 weeks simula ng nanganak ako. Tapos derecho formula na po.
hello. 10 months na baby ko at di pa rin dinanadatnan mula nung nanganak ako. then last week nagkaroon ako ng dark brown to light pink spotting at may nangyari po samin ng asawa ko kanina. mabubuntis po ba ako. chineck din pala doktor yung anu ko kasi sumakit puson ko sa tuwing iihi ako, akala ko buntis Pero niresetahan ako gamot at nagkaroon nga ng spotting.
Mag11mos na po c baby ko po hnd pa po aq nereregla po kagagaling ko lng sa sakit po namaga po katawan ko po pagkatapos ko manganak binat daw po …normal lng po ba un natatakot na po kc aq baka qng ano na po ito…
Thank u po sana masagot po ….
hello po panu po kung spotting nalang yung dugo ko tapos bigla po dumami ung dugo. natural lang po ba yun?
hai po ask ko lang po sana 5 months na baby ko pero ndi paren ako nireregla pero walang nang yari sa amin nang hubby ko breastfeed pero may tumutulo na onting dugo ganun po pero nag mens ako nung august tas ngayon wala na po pero walang nang yare sa amen kasi hiwalay naman kame?
gud afternoon po.bagong panganak lang po aq.3weeks palang po.posible na po ba aq reglahin saka normal po ba na malakas ang dugo q?kc nagtataka po aq kc nakakaubos po aq ng 8pads in 24hrs.ei d nmn po aq ganun dati.salamat po sa sagot.nakakatakot po kc.
Mabilis po ba mabuntis ang bagong panganak?
Mabilis din. 2 weeks lang, pwede na mabuntis. Magkaroon man ng regla agad o hindi.
Baka naman naglalabas pa rin ng dugo ang katawan mo. Not necessarily regla na. Kapag kasi bagong panganak pa lang, diaper or maternity pads ang recommended para malaki ang pangsalo sa dugo. Kung nakakaramdam ka ng pamumutla, panghihina, pa-checkup.
Ganun po talaga pag breastfeed. Hindi dinadatnan ng regla hanggang 6 months pero posible din umabot ng hanggang 2 years. Kung bigla ka nagkaregla within 6 months, hindi ka siguro gaano nagpasuso sa baby mo. Or hindi siya gaanong nakasuso kasi nagkasakit at nawalan ng gana. Pag humina kasi pagpapasuso, magkakaregla.
7months na kong hindi nireregla sakin lang dumedede ang anak ko, wala pa dito asawa ko natural lang ba un
Hi po ask ko lang po nanganak po kse ako sept. 30 pure bf po ako pero nitong oct 28 sumakit po sikmura ko binote ko po sya ng 1day kinabukasan pinadede ko na po sya ulit sken. May nangyare po samin ng hubby ko ng nov.2 possible po kaya na mabuntis ako?
Lahat posible, basta sa loob ipinutok.
Natural lang.
TANONG LANG PO KASE PO AKO HALO SAKIN NA DEDE ANG BABY KO TAPOS PO PINAPADEDE KOSIYA SA BOTE MAG ilang months po kaya bago mag ka mens
pwedi po ba reglahin ang nag breastfeed? syka po 1month plang po ang baby ko. subrang dami dugo lumalabas sakin. punong puno yung napkin ko.
Hellow po ako nagkaregla 3months nako nanganak sa bote po ko nagpapadede oct17 po ko nagkaregla pero till now november 6 na hindi pa din nawawala minsan brown minsan medjo pink tapos mgiging red nanamn at may buobuo normal lng po ba un first regla ko mula nung manganak ako.
Pwede reglahin kung napakahaba ng pagitan o hindi regular yung oras na pagpapasuso sa anak mo.
Hello, tanong lang po sana ako normal lang ba sa kakapanganak na halos 1month na syang nireregla?
Panu po kaya yung case ko kc po mix po aq mag pa dede minsan po skin pero mas mdalas po sa bote…nanganak po aa nung July 27 2020..tpos nag karoon po aq nung sept.at oct.pero mhina lang po tpos nung nov.eh hindi npo ulit aq dnatnan tapos nung december po eh nag karoon po ulit… ngayong January eh wala na nman po normal lang po ba yung ganung case ko
Not saying na normal, pero based on experience, yung unang regla after manganak is mas mahaba kesa normal. Sakin noon, parang inabot ako ng 17 days sa una kong regla after manganak. Then marami rin ako nababasa sa mommy groups na matagal din sila niregla.
Ganun talaga. Kapag nagpapa-breastfeed, nagiging iregular yung regla.
Exclusive breastfeeding ako kay baby and 5 months na sya. And hindi pa din ako dinadatnan ng regular menstration pero lastmonth nag spotting ako 3 days lang. Then today I tried to take a PT and the result is positive and i tried it again for confirmation and it was positive again. What should I do? I dont know if im really pregnant again ��
Sa totoo lang, hindi porket exclusive breastfeeding ang isang nanay sa kanyang sanggol ay ligtas na siya at hindi mabubuntis. Kung hindi regular yung pagpapasuso every 2-3 hours, may chance na mabuntis. Since nagpositive sa PT at kung nilalabas naman talaga ay sa loob, baka talaga buntis. Para mawala doubt, pa-ultrasound.
NANGANAK PO AKO NUNG JUNE 8 2020 PERO HINDI PAREN BUMABALIK YUNG REGLA KO HANGGANG NGAYUN JAN.9 2021 NORMAL PA PO BA YUN.? NAGPAPADEDE KASI AKO SA BABY KO SA UMAGA AT SA GABI LANG KASI MAY WORK AKO.
Kapag Po ba niregla kana..wala na Pong gatas n lalabas SA dede Po??
Pwede po magtanong? Paano po kapag bagong panganak at may dugo pa po ng pagpanganak tas nagdo at tumigil po ung dugo ng bagong panganak after do. May posibilidad po bang mabuntis? Breast feeding po.. pero 3x po nagmix.. pasagot po pls. Salamat po♥️
4 months na ung baby ko and nag fformula feeding sya bumalik na din ung regla ko may possibility ba na mabuntis ulit ako?
Depende sa katawan ng babae. Yung iba talaga kahit mixfeed, hindi rin agad dinadatnan ng regla kahit lagpas na 6 months. Pero kung may nararamdaman ka sintomas ng pagbubuntis, try mo mag-PT.
Posible. Lalo na kung nung una pa lang ay sobrang hina na talaga ng gatas mo. Ganyan sakin noon. Noong niregla, talagang wala ng gatas.
Yes meron. Bumalik man o hindi pa ang regla, basta sa loob inilabas ni mister, laging may posibilidad. Meron ngang mga kapapanganak na nanay ay nabuntis agad kahit 1 month old pa lang ang baby nila at hindi pa sila nireregla.
Tanong ko lng po akoy niregla ng july hangga oct 24 25 26 pero nov dec hindi na ako iregla 1years na ang baby ko pero sa akin parin nadede
Baka po buntis kayo. Try niyo po mag-PT.
ASK ko lang po, almost 4weeks na po ako after cs. Yung Lochia bleeding ko po is natapos after 2weeks, netong pa 3rd week na po yellowish color na. Then ngayon po may discharge ulit ako na brown color. Ano po kaya ito? Lochia padin or Menstruation ko na? Tyia.
Possible. Lalo na po kung hindi kayo nagpapabreastfeed. Pag nagpapabreastfeed, karamihan hindi nagkaka-mens agad.
Kelan po pwede umangkas ng motor after cs? Almost 1month na po ako after cs. Ty
hai po july26 po ako nanganak cs. tapos nagkaroon po ako September 27, 2days lang po hanggang ngayon hindi papo ako dinadatnan breastfeeding po ako . normal lang ba ito .
Marami pong mommies na nagpapabreastfeed at nagpipills ang hindi dinadatnan ng mens. Yung iba naman, iregular gaya mo. Nagpipills ka po ba? Kung nangangamba ka na baka buntis ka, mag-PT ka na lang po muna.
withdrawal po yong gamit namin sabi ng asawa ko hindi daw cya nagkamali ..natatakot po ako 4 month napo hindi pa ako dinadatnan breastfeeding po ako..
Kelan po pwede umangkas ng motor after cs? Almost 1month na po ako after cs. Ty
Batay sa mga payo ng doktor online, isa’t kalahating buwan. Pero depende pa rin sa pakiramdam mo at kung hilom na talaga ang sugat sa C-section.
Tanung lang po kasi po breastfeeding po ako hanggang ngayon Hindi pa po ako nireregla, 2years na po
Nagpipills ka rin po ba? Kung nagpipills, maraming nanay ang hindi dinadatnan ng regla.
Hindi po ako nag pipills wala po ako ginagamit simula po nanganak ako Hindi pa po ako nireregla, breastfeeding pa po ako,natatakot na po ako 2years na po ako Hindi nireregla
Ask ko lang po mga mommies. Mag 4 months na po ako nanganganak. Nag karegla ako ng 3 na madaming dugo pero ngayong 4 months spotting lang. Buntis ba ako o normal lang yun?
Mag-PT na lang po para sigurado.
Pano naman po kapag nag ppump may tendecy po na mabubtis
Yes. Lahat may tendency mabuntis basta sa loob inilabas.
Magandang umaga po tanung ko lang po bakit Hindi pa po ako nireregla 2years na po ako Hindi nireregla pure breastfeeding po ako salamat po
Kung nagpipills at pure breastfeeding, possible pong hindi reglahin gaya ng ibang mommies.
Hi po magandang umaga kaylan poba babalik ang regla pagkatapos manganak ng cesarean,pure breastfeed po ako 6months napo baby ko hanggang ngayon hindi papo ako nireregla
CS or normal delivery man, kung pure breastfeed, possible wala hanggang 6 months lang. Pero base sa experience ng maraming mommies, hanggang 1 year wala. Mas lalong hindi rereglahin agad kung nagpipills.
Ilang buwan po bago datnan kase po nag ppump lng po ako pero saken po mismo yung gatas
Ako po 1 year and 6 months na yung baby ko di paren ako dinadatnan pero nung3 months sya pinagpills nako until now pinalitan na yung pills ko ng coc kasi kumakain naman na daw baby ko bakit po kaya di pa ako nireregla
Kung nagpipills at pure breastfeeding, possible pong hindi reglahin gaya ng ibang mommies.
Tanong Po Ako mam/sir.what if nong Sept kaka panganak mo lang. after 1 month nagkaroon ka Ng mens Nov at Dec.then sa Jan nag stop .pero ndi man kayo nag contact Ng mister mo Kasi abroad din.normal Po ba sa mga breastfeeding mom?
Marami pong mommies ang nakararanas din ng ganyan. September ka nangananak, so possible hanggang March ka magkaroon ng irregular mens lalo na at breastfeeding. Kaya siguro nag-stop, kasi mas malaki na yung demand ng milk ng baby mo sayo. Breastfeeding kasi ay nag-aact as “natural contraceptive” kaya naapektuhan ovulation at menstruation.
First period after cs normal lang po ba na 2weeks na mens ko at heavy period pa? 7weeks PP po ako. Nagstart din po ako magpills last january 14, then nagkamens ako january 20 until now
Kapag po CS, mas prolonged at heavy ang mens. Kung may nararamdamang kakaiba o masakit, always consult OB.
Tanung ko lng po nanganak po aq oct 9 1 1/2 month nag do po kmi ng partner ko tpos dec. 25 nagkaregla aq tpos hanggang ngaun wala p po uli mix po aq mag padede . Sana masagot po salamat
Kung nagpipills, marami sa mga mommies ang nagshashare na hindi sila nireregla. Para sure, mag-PT po.
Hindi po ako nag pipills, dahil wala na din po ako asawa salamat po.. Natatakot na po kasi ako bakit gang ngaun hindi pa po ako nireregla.. Salamat po
Sa iba naman po, hindi nireregla dahil sa sobrang stress. Para sigurado po at panatag kayo, pa-checkup po.
Ok lang po ba yung bago kalang nanganak tapos nag mens kana pero kaunti lang ang na mens ko pero nawala noong feb. tapos hanggang ngano po hindi pa ako mens pero nag breastfeeding naman po ako sa baby ko..sana masagot agad kasi natatakot po kasi ako baka buntis po ako or hndi po
Mag-PT po.