Kombulsyon sa Batang Nilalagnat: First Aid sa Batang Kinukumbulsyon
Nakakita na ba kayo ng batang nilalagnat na kinukumbulsyon? Para siyang nangingisay at tumitirik pa ang mga mata. Talaga namang nakakatakot kapag nasaksihan mong kinukumbulsyon ang isang tao, lalo na kapag bata. Pero sa oras na mangyari ito sa inyong anak, kalma lang. Huwag mataranta. Sa basahin na ito, malalaman niyo kung paano lapatan ng pangunahing lunas o first aid ang batang kinukumbulsyon.
Ano ang kombulsyon sa bata?
Kapag ang bata ay mayroong mataas na lagnat, maaari siyang makaranas ng kombulsyon. Ang kombulsyon o seizure ay ang hindi makontrol na pangiginig ng katawan. Kadalasan, ang mga kamay at paa ay nagsisitikwas sa pangingisay. Sa ibang bata naman na kinukumbulsyon, simpleng panginginig lang ang nagaganap.
Ang kombulsyon ay karaniwang nakaaapekto sa mga batang 5 years old pababa. Karaniwang nangyayari ito kapag ang bata ay mayroong lagnat na 38°C pataas. Hindi naman lahat ng batang nilalagnat ay kinkombulsyon. Madalas lamang itong mangyari kapag nasa lahi niyo na ang kondisyong ito.
Ayon sa mga nababasa ko, ang simpleng kombulsyon ay karaniwang nagtatagal hanggang 15 minuto. Bukod sa pangingisay o panginginig ng katawan, pwede ring mawalan ng malay ang bata at magsuka o mag-ihi habang kinokombulsyon. Pwede ring manigas ang kanilang leeg at mahirapan sa paghinga.
Base naman sa mga naoobserbahan ko noong naduty pa ako sa pedia ward, pwedeng umulit-ulit ang kombulsyon ng ilang beses sa loob ng 24 hours. Minsan, ang kombulsyon ay nagtatagal ng 2-5 minutes. Then uulit siya kapag tumaas ulit ang lagnat ng bata sa gabi.
Ano ang first aid sa batang kinukumbulsyon?
Kung ang anak niyong nilalagnat ay kinukumbulsyon, narito ang pwede niyong gawing first aid o pangunahing lunas:
- Tingnan kung anong oras nag-umpisa ang kombulsyon at gaano ito katagal. Kapag ang lagpas 5 minutes ang panginginig, dalhin sa ospital ang iyong anak upang mabigyan ng tamang gamot. Kung hindi naman, pwedeng lunasan lang ito sa bahay.
- Ihiga ang bata sa isang sahig na may kutson. Kung ang bata ay hindi gaanong matikwas habang kinukombulsyon, pwedeng ihiga na lamang siya sa kama. Pero kung ang bata ay masyadong matikwas at posibleng malaglag sa kama, ilatag na lamang yung kutson ng kama sa sahig at doon siya ihiga para hindi malaglag. Kung walang kutson, latagan ang sahig ng banig at lagyan ito ng kumot o malaking tuwalya. Bantayang maigi ang bata.
- Ihiga ang bata nang nakatagilid. Para hindi ma-choke o mabulunan, ihiga ang bata nang nakatagilid. Pwede kasing maipon yung laway sa bibig habang kinokombulsyon. O kaya naman ay mayroong hindi mo alam na pagkaing nasa bibig ang bata. Paano itatagilid eh galaw ng galaw at nangingisay nga? Pwede ka maglagay ng unan sa likod ng bata habang nakatagilid para hindi siya bumagsak nang nakahiga.
- Luwagan ang damit ng bata. Pwedeng makaranas ng hirap sa paghinga ang batang kinukumbulsyon kaya naman inaadvise na luwagan ang kanilang damit. Alisin ang mga butones ng damit malapit sa kwelyo. Tanggalin din ang mga salamin ng bata kung meron.
- Tanggalin ang mga nakakalat na bagay sa paligid. Para hindi mauntog o maaksidente ang bata habang kinukumbulsyon, tanggalin ang mga nakakalat na bagay sa paligid. Kung malapit ang hinihigaang kutson sa dingding, ilayo siya rito o kaya naman ay lagyan ng mga unan ang dingding.
- Hintaying matapos ang kombulsyon. Walang ibang dapat gawin kapag ang bata ay kinukumbulsyon kundi ang hintaying matapos ito at protektahan ang bata na maaksidente.
Pagkatapos ng kombulsyon, obserbahan ang bata. Punas-punasan ang katawan para bumaba ang temperatura. Palipasin ang ilang mga oras bago bigyan ng gamot sa lagnat ang bata. Baka kasi umulit agad ang kombulsyon at magsilbi lamang na choking hazard ang tableta.
Mga paalala kapag kinukumbulsyon ang bata
Maraming iba’t ibang paniniwala o paraan ng paggamot kapag ang bata ay kinukumbulsyon dahil sa lagnat. Upang hindi lalong lumala ang kondisyon ng bata, gawin ang mga sumusunod na paalala:
- Huwag pipigilan ang bata sa pangingisay. Kapag hinawakan o pinigilan mo ang mga braso o paa ng iyong anak, baka mabalian lamang siya. Kaya hayaan lamang na mangisay hanggang matapos. Kung umuusod ang katawan ng bata, dahan-dahan lamang ulit ibalik sa dating pwesto.
- Huwag papasakan ng kutsara ang bibig. Pinaniniwalaan din na kailangang pasakan ng kutsara ang bibig ng batang kinukumbulsyon para raw hindi makagat at magdugo ang dila. Sa iba naman, para raw hindi umurong ang dila. Hindi umuurong ang dila kapag nagkokombulsyon. Ito ay old practice lamang. Sa mga makabagong gabay, hindi na nangangailan pang lagyan ng kung anu-ano ang bibig sapagkat maaaring mag-crack ang ngipin ng bata at maputol at magdulot pa ng pagkabulon. Sasabihin ng iba, sige, hindi na kutsara, nirolyong tuwalya na lang. Hindi rin pwede. Mahaharangan nito yung airway ng bata. Hindi na nga nakakahinga ng maayos. Eh pano yun? Makakagat yung dila? Sadly, base sa mga sources, mas maigi ng makagat ng bata ang kanyang dila at gamutin na lamang ito pagkatapos ng kombulsyon. Kung ikukumpara ito sa panganib na dulot ng paglalagay ng kutsara/tuwalya sa bibig, ang nakagat na dila ay hindi gaanong mapanganib.
- Huwag bibigyan ng tubig o gamot sa bibig habang nagkokombulsyon. Maaari itong magdulot ng pagkabulon.
Kailangan bang dalhin sa doktor ang batang kinumbulsyon?
Ayon sa mga medical sources, hindi na kailangan pang dalhin sa doktor ang batang kinombulsyon sapagkat maaaring lunasan na lamang ito sa bahay lalo na kung ikaw ay may kaalaman na. Pero kailangang dalhin sa doktor ang batang kinumbulsyon kapag:
- Kauna-unahan niya itong episode ng kombulsyon
- Mahigit 5 minutes ang kombulsyon
- Mahigit isang beses ang kombulsyon, o kinumbulsyon ng dalawang sunod o higit pa within 24 hours
- Hindi magising ang bata pagkatapos ng kombulsyon
- Nagkaroon ng injury ang bata habang kinukumbulsyon
References:
Febrile Seizures Fact Sheet
Febrile Seizures
Kung may kasamang kumbulsyon ang lagnat ng bata
Sobrang laking tulong para sa akin Ito .. may kalaman na Ako ngayon pg may kombolsyon Ang aking anak.
3 sa anak ko may kumbolsyon pero di pa rin ako masanay..takot na takot pa rin ako pero nalulunasan ko nman agad sa tulong ng mga kapatid ko.iba pa rin pag nsa actual na sitwasyon kana..nakakatakot.
Salamat po.
Laking tulong po ito ngayon gagaawin ko po maraming salamat po
nerbyoso ako sa twing may lagnat ang anak ko pero since nabasa ko ito nakatulong upang hndi ako gaanong nerbyusin kapag kinumbulsyon ang anak ko. More powers!
Totoo ba na pag kinumbolsyon ang bata ay maari itong lagyan ng may malamig na tubig o yelo sa ulo?
Bawal maglagay ng yelo sa kahit na anong parte habang kinukumbulsyon. Read: – https://healthylife.com/online/healthieratschool/ClevelandStateU/Seizures.html- http://edition.cnn.com/HEALTH/help.at.home/seizures/content.html
Yung baby ko po kinumbulsyon pero khit wala na sya lagnat nag seizure pa di. Sya. Normal lang po b ayun
grabe doc kung sino ka man sobrang naka tulong to saamin godbless
Hindi po normal ang nagseiseizure nang walang lagnat. Checkup na po ang need.
maraming salamat po ditoš sobrang taranta po ko kagabi dahil first time mangyari aa anak ko . at kaninang umaga ulit kinumbulsyon . dalawang beses sinugod .. at ngayun alam ko na kelangan gawin at para nakahanda na at di na kmi matataranta . Salamat po
Tnxs doc..nataranta kmi..dinala q na agad sa hospital..first time po ng baby q..
Pano po pag iLang beses sya kinukumbulsyon every 4 hours ang atake
Pakiusap po magbasa muna. Nasa post na po na kapag 2 o higit pang kinombulsiyon within 24 hours ay kailangan ng dalhin sa ospital.
Sabi po ng iba buhusan dw po ng iba tubig ang habang kinukombulsyon totoo po ba ito?parang nkakatakot nman..
Wag kayo maniniwala sa kanila �� Lalo lang mapapasama ang batang kinokombulsyon.
anu po ang dapat gawin pagtapos nagkonbulsyon ang bata
Nasa post na po. Pakibasa na lang po.
Salamat po
Masama po ba laging my kasamang kumbulsyon ang bata pag my lagnat nasa lahi po kasi nmin yung kumbulsyo
Yes, masama. Better pacheck-up.
Ilan taon po natatapos ang kombulsyon ng isang bata
Kadalasan, 5 years old.
Salamat Po Alam nyo Po Kasi Ang Bata ko nakaagi din sya Ng kumbulsyon simula Ng 3 years old sya tuwing nilalagnat pag umaabot Ng 38 yon na hanggang nag six years old sya kaya nga tuwing nilalagnat sya 24 hours akong hiding Maya Maya pinupanasan ko sya Ng tubig
Maraming salamat kasi sobrang natatakot ako Pag kinukumbulsyon ang anak ko kasi wala akong alam na lunas
ganyan din po ang anak ko ngaun laang sobrang takot ako
Bkt po 5 years old napo ung anak ko eh nagkunbulsyon papo. Nag umpisa po sya magkunbulsyon nung mag 2 yrs old po sya. Pag tuwing may lagnat ng mataas nagkukunbulsyon po sya.
Anak ko din 5yrs old. Kombulsyunin. Namana sa Papa nya may lahi din kasi. Kaya nakakanerbyos pag may lagnat
Kaya po maigi talaga na agapan agad ang lagnat lalo na kung nasa lahi na.
Hanggang ngaun b nagkukunbulsyon pba anak m kht 6 yrs old napo sya?
Doc. Kinunbulsyon po ang anak ko pero ok na siya ngaun pero dipo siya nakaka kita
Check-up po.
anak kopo. nagsimula sumuka ng madaling araw hanggang hapon po nilagnat din po sya. pero nung gabi napo hanggang kinabukasan wala napo sya lagnat pero nung hapon nangisay po sya. nangitim napo yung itsura nya po iba. pinump ko po sya hanggang sa umiyak sya sinugod kopo agad sa hospital. dito kme sa hospital pero ihi dugo lang po titingnan. anu po yun? kasi tinatanung kopo sila wala sila masavot sakin.
Hintayin niyo lang po yung resulta.
Slamt po ng marami…itatak ko po yan sa isip ko..anak ko po 2 times na..mgdadalawang taon pa lang po…kya ngaun alam ko na po ang gagawin
Ano po ang dapat ipunas sa bata pagka tapos mag kombolsyon at kailangan ito mawawala ilang taong mawawala ang kombolsyon
Punasan po ng basang tuwalya, kahit binasa lang sa gripo. Kadalasan nawawala kapag 6 yrs old above na. Pero depende parin sa bata.
Pano po kapag NASA loob Ang lagnat NG bata?..
Eto po magandang basahin https://ph.theasianparent.com/nakatagong-senyales-ng-sakit
Yung anak ko 8yrs old na po kinokombulsyon po talaga sya kapag nilalagnat. Masama po ba yun? Kailangan po ba dalhin sya sa ospital? Kung ano ano po nakikita nya at nanginginig sya. Natatakot po ako sobraš
Pakibasa po yung part na “Kailangan bang dalhin sa doktor ang batang kinumbulsyon?”