Exclusive Breastfeeding Naman Ako, Pero Bakit Nagkaregla Agad Ako?


Categories :
(Last Updated On: February 16, 2023)
exclusive breastfeeding pero nagkaregla agad

Marahil ay alam niyo na na kapag exclusive breastfeeding ka sa iyong baby hanggang 6 months ay hindi ka mabubuntis. Ang tawag dito ay lactational amenorrhea method (LAM), isang epektibo at no-cost na birth control method.

Kapag kasi ikaw ay eksklusibong nagpapasuso kay baby, ang iyong obaryo ay hindi mag-proproduce ng egg cell. Busy kasi yung hormones sa paggawa ng breast milk, kaya tumitigil ang pag-produce ng egg cell.

Habang ikaw ay eksklusibong nagpapasuso sa loob ng 6 na buwan, hindi ka dapat magkakaregla. Pero bakit ganon? Nagkaregla ka agad kahit na exclusive breastfeeding ka?

Ang 2-Hour or 3-Hour Rule

Bagamat exclusive breastfeeding ka sa iyong baby, kung hindi mo naman nasusunod ang 2-hour or 3-hour rule, hindi bibisa ang lactational amenorrhea method.

Ang 2-hour or 3-hour rule ay ang pagpapasuso sa iyong baby every 2 or 3 hours. Kung hindi mo nasusunod ito, imbis na ma-busy yung hormones mo sa pag-proproduce ng breast milk ay mag-proproduce sila ng egg cell hanggang sa ikaw ay mag-ovulate at magka-regla.

Kaya kung gusto mong hindi agad-agad mabuntis, pasusuhin mo ang iyong baby kada 2 o 3 oras. Bagamat wala kang ginagastos para sa birth control method na ito, kailangan mo ng sipag at tiyaga para magpasuso sa iyong baby.

3 thoughts on “Exclusive Breastfeeding Naman Ako, Pero Bakit Nagkaregla Agad Ako?”

  1. ..hello pu tanong ko lang pu.. pure breastfeeding pu aq sa baby q tapos 6weeks may nangyare pu samen ng hubby q tas kinabukasan nagpunta aq ng center at binigyan aq ng pills na excluton para daw sa breastfeeding kinagabihan uminom na aq ng pills at nag contact ulit kami ng asawa q pero withdrawal naman kami at after 3 or 4days niregla aq.. possible ba na buntis aq.? kahit nagtatake na aq ng pills.? please response.. thanks

  2. hello po normal lang po ba sa nagpapabreastfeed ang magkaroon na mag 4months na si baby ko tapos khpon dec 26 nagkaroon po ko at malakas hanggang ngayun. normal lang din ba na malakas ang mens ko?? salamat po 🙂 btw buong month din ng nov. nman meron din ako. sana po sumagot kayo salamt po

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *