Pamparegla na Pagkain: Mga Pagkaing Pwedeng Kainin Para Bumalik ang Regla


Categories :
Last Updated on: February 15, 2023
pamparegla na pagkain
Image Source

Hindi nireregla? Baka buntis?

Wag assuming lalo na’t wala namang boyfriend at hindi nakikipagtalik.

Kung iregular ang iyong regla o menstruation, o hindi ka dinadatnan 2-3 buwan na, posibleng may sakit ka sa obaryo pero napakadalang nito.

Ang pinaka-usual daw na cause ng pagkawala ng buwanang dalaw ay stress. Totoo ‘yon. May kaklase ako dati, 2 months na siyang hindi nireregla.

NBSB naman siya pero wala pa ring regla. Ang sabi sa kanya ng doktor ay dahil sa stress. Stress sa pag-aaral ng kursong nursing.

Binigyan siya ng mga supplements para bumalik regla niya. Bumalik naman tapos nung dinatnan na, sabi ng kaklase ko parang dapat kumot na ang i-napkin niya sa sobrang dami.

Pamparegla na Pagkain

Kung di niyo naman afford magpa-checkup sa doktor, pwede niyo i-try itong mga pamparegla na pagkain. Pero advisable na magpa-checkup lalo na’t super tagal na wala kayong regla.

Luya

luya pamparegla na pagkain
Luya, Pamparegla na Pagkain

Bukod sa pampaganda ng boses ang salabat, pwede rin itong makatulong para magkaregla ka kasi nag-aaid ito sa contractions ng uterus o matres mo. Magdikdik lang ng luya at pakuluan ito. Lagyan ng asukal o honey kung gusto mo ng manamisnamis. Inumin ito 3x a day for 1 month.

Luyang dilaw o turmeric

luyang dilaw pamparegla na pagkain
Luyang Dilaw o Turmeric, Pamparegla na Pagkain

Pwede ring gawing pamparegla ang luyang dilaw. Kung wala ka makita sa palengke, meron ding luyang dilaw sa mga supermarket ng mga mall. Dikdikin ang luyang dilaw at pakuluan. O kaya naman ay pakuluan ang turmeric powder. Inumin ito 2x a day.

Papaya 

papaya pamparegla na pagkain
Papaya, Pamparegla na Pagkain

Kumain ng hinog na papaya. Mayaman kasi ito sa carotene. Ang carotene ay hindi lamang pampalinaw ng mata. Nakakatulong din ito para magproduce ang iyong katawan ng estrogen hormone – kemikal sa katawan na responsable rin sa pagkakaroon ng regla. Kung may available na maliliit na papaya, kumain nito 1x araw-araw. Kung malaki naman ang available sa palengke, kumain ng 2-3 slices.

Pinya

pinya pamparegla na pagkain
Pinya, Pamparegla na Pagkain

Ang pagkain ng pinya ay nagbibigay init sa katawan kaya nakakatulong ito para ikaw ay magkaroon ng regla. Pwede niyo itong gawing dessert o panghimagas kada meals.

Aloe Vera

aloe vera pamparegla na pagkain
Aloe Vera, Pamparegla na Pagkain

Yes po. Pwedeng kainin ang Aloe Vera. Ngayon ko lang din nalaman. Akala ko pangkuskos lang ito sa anit para lumago ang buhok. Kumuha ng mga dahon ng Aloe Vera, balatan at kayudin yung gel. Durugin o i-blender ang gel para gawing juice. Lagyan ng konting tubig at haluin. Pwede ring lagyan ng asukal o honey. Inumin 1x before breakfast.

Pagkaing may protina gaya ng itlog at tokwa

protein pamparegla na pagkain
Protein-Rich Foods, Pamparegla na Pagkain

Ang mga pagkaing may protina ay nakakatulong din para ikaw ay magka-regla. Pinakamainam kainin ang itlog at tokwa. Pwedeng ilaga ang itlog, iprito o isahog sa iba niyo pang ulam. Sa tokwa naman, pwede mo siyang iprito, ilahok sa salad o gawing tokwa’t baboy.

Kayo mga ladies, anu-ano pang mga pagkain ang alam niyong pamparegla?

Sources:
1 / 2 / 3

27 thoughts on “Pamparegla na Pagkain: Mga Pagkaing Pwedeng Kainin Para Bumalik ang Regla”

  1. Tanong ko lng po mag 2weeks na po akong di nirregla 1st time ko po na ganto katagal ano pong pde kong gawin? Nag aalala na po ako eh. Salamat po ����

  2. Minsan yung ibang mga babae, hindi nakararanas ng mga sintomas ng pagbubuntis, pero buntis sila. 2 months ka na wala mens. Napakatagal na. Posibleng buntis ka. PT para sure.

  3. Mag te three months narn pong d ni reregla asawaq nag PT na po cia ilang beses na kaso puro negative po d pa namn pwd mag pa check up ngayon kc bawal mag dala ng patient saming hospital

  4. Kung 3 months nang hindi nireregla, baka naman nagpapasuso siya sa inyong baby. Natural lang hindi reglahin kapag ganun hanggang maging 6-month-old ang baby niyo.

  5. hi po. 8months na po akong hindi nagkakaron hindi naman po ako buntis. ask ko lang po sana kung ano pwede ko inumin o kainin para datnan na po ulit buwan buwan

  6. Mag 3months napo akong hindi nireregla ndi rin buntis wala ring pinapasuso ngaun lang po nangyari sakin to ano po dapat gawin ndi rin po ako makapag pa check up salamat po sa sagot

  7. ung asawa q nagdepo, ung depo nya nag xpire non march 26 2020. tas pag april spotting lng mens nya. Nong may nd sya nag mens hnggng ngaun june wla p din.. Ano pwd nmin gwin?? ayw na sna ng asawa q mgbuntis ulit dhl high blood sya… Sna matulungn nyo kmi. Thanks

  8. Last may 28, hindi po ako Naka inom ng pills tapos 29 nag ka kontak hindi p din nka inom 30th p po ako nakainom ng pills natatakot po kc nararamdaman ko p ang sign ng buntis my posibilidad po b ano pwede ko gawin habang pwede p

  9. June 8 nakipag sx ako tapos pang 3 days ko yun na regla at pinutukan po ako sa loob. May possible ba na mabuntis ako? Need help lang ho.

  10. First time po itong mangyari sa akin after Ng sex
    2 months na po akung Hindi nireregla ..piro irregular po aku piro every 1 month Lang po pagitan Ng regla ko..wla din pong sintumas anu po Kaya pweding gawin
    .

  11. Asawa ko po 2months na di ngkakaroon ng PT na po sya negative naman po wala naman po sign na buntis sya ano po kaya pweseng gawin??
    Salamat po

  12. Kung exclusuve bf po ang mother then wala kmeng gamet na contraceptives 8months old baby ko my possibility bang mabuntis ulet after ko manganak non 2months bago aq niregla then tuloy tuloy un up to july..ngayon aug.wala pko my possibility bng mbuntis ulet

  13. hi po ask lang sana normal lang ba na mag delayed pag nag low carb diet po kc yan po na experience ko ngayun mag 1month na pong delayed 2months na ako sa low carb ,at fasting salamat po .

  14. Ako this month hindi ako nireregla ,taga buwan ako nirerelag ehh. Sumakit ang aking kilid dito sa left 3 days na ano ang ibig sabihin nito 1st time kupo mag ka ganito na sumakit ang gilid ko

  15. Ako po nag papadidi Bali 6 months na po baby KO mga 4months palang po cya niregla na po ako then after ng one month na dapat dadatnan na ako but Hindi po dinantnan hangang ngaun pero d nmn lumalaki ang tiyan KO po ano po bha maganda gawen

  16. HI. Nakipag talik po ako but with contraceptives. almost 2 weeks na po akong hindi dinadatnan, and may mga sign naman ako na menstrual period, But I am not sure if menstrual ba yun o sign na ng pregnancy, dahil halos magkapereho ang sign ng pregnancy and meanstruation.
    I tried na mag pt and negative naman. Pero hindi padin ako nagkakaroon. Anoo po ba dapat kung gawin?

  17. Kaya ka irregular kasi breastfeeding ka. Ganun talaga. Kaya ka siguro nagkaregla noong minsan kasi nakulangan anak mo sa gatas or wala siya gana. Kapag humina gana sa dede, magkakaregla. Pero kapag malakas gana, hindi magkakaregla.

  18. hello po. normal lng po b na nd reglahin pag ng breastfeeding? 9months na po ksi c baby pro p dn ako nrregla.

  19. GOOD MORNING PO DELAY NA PO NG 4 DAYS YONG REKLA KO..DAPAT KASI 25 NADATNA NA KO DAPAT PERO HANGGANG NGAYON WALA PARIN PO..

  20. Hello po, pede po ba mabuntis Ang babae pag nilabasan SI boy sa loob pero may regla pa pero kakaunti na Ang nalabas and kinabukasan po is wala na pong men’s na nalabas? Pls answer po ty.

Leave a Reply