Buto ng Kamatis: Sanhi nga ba ng Appendicitis?

kamatis at appendicitis

Categories :
(Last Updated On: February 16, 2023)
buto ng kamatis sanhi ng appendicitis

Naaalala ko noong bata pa ako, sabi ng nanay ko, nakaka-appendicitis daw ang pagkain ng buto ng kamatis. Kaya lahat ng ulam namin na may kamatis ay tinatanggalan ni nanay ng buto bago iluto o kainin. Syempre wala pa naman akong kamuwang-muwang noon at nalaman ko na hindi naman pala ito totoo. Mga sabi-sabi lang ito ng mga matatanda.

Hindi Totoo na Nakaka-Appendicitis ang Pagkain ng Buto ng Kamatis

Ayon sa mga nabasa ko, hindi naman nakaka-appendicitis ang pagkain ng buto ng kamatis. Bagamat may ilang mga buto ng kamatis na nakikita minsan sa isang pasyenteng may appendicitis, hindi naman yung mga buto ng kamatis ang mismong dahilan ng ganitong kondisyon. Dagdag dito, walang sapat na ebidensya na ang mga buto ng kamatis ay nakaka-appendicitis.

Ang Totoong Dahilan Kung Bakit Nagkakaroon ng Appendicitis

Nagkakaroon lamang ng appendicitis ang isang tao kapag napasukan ng bacteria, virus, o parasitiko ang appendix. Bukod dito, maaari ring nabarahan ng dumi o tae ang maliit na tubong nagkokonekta sa appendix at large intestine. 

Sources:

https://mb.com.ph/2018/05/15/the-dangers-of-swallowing-tomato-guava-and-santol-seeds/

https://www.philstar.com/lifestyle/sunday-life/2011/07/24/709043/truth-behind-25-health-myths

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/appendicitis

https://www.webmd.com/digestive-disorders/digestive-diseases-appendicitis#1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *