Bakit Ihi ng Ihi ang Buntis Kahit Hindi Pa Malaki ang Baby?

ihi ng ihi ang buntis

Categories :
(Last Updated On: February 16, 2023)
buntis ihi ng ihi

Akala ng marami, magiging madalas lang ang pag-ihi ng mga buntis kapag malaki-laki na ang sanggol sa sinapupunan. Sa paglaki ng sanggol, lalong nagsisiksikan ang mga organ at naiipit ang pantog, kaya naman ihi ng ihi ang isang buntis. Tama nga naman. Pero bakit kahit 3 months pa lang ang sanggol ay nakararanas pa rin ng madalas na pag-ihi ang karamihan sa mga buntis? Hindi pa naman malaki ang bata para maipit ang pantog.

Bakit ihi ng ihi ang buntis?

Kahit hindi pa malaki ang sanggol sa sinapupunan, ang katawan ng buntis ay nakararanas na ng mga pagbabago, kagaya ng mga sumusunod:

  • Pagdami ng hormone na progesterone. 

Ang progesterone ay isang uri ng hormone na tumutulong para ihanda ang matres (uterus) sa pagbubuntis. Ito ay tumutulong para maging mas makapit ang fertilized egg sa haligi ng matres at hindi makunan. Subalit, sa pagdami ng progesterone, naapektuhan din nito ang urinary system. Mas lalo nitong pinapa-relax ang mga ureter (daang-ihi) ng buntis, pati na ring ang pantog (bladder). Kapag naka-relax ang mga tissue ng mga ureter at pantog, mas nagiging madalas ang pag-ihi.

  • Pagdami ng hormone na human chorionic gonadotropin.

Bukod sa progesterone, dumadami rin ang hormone na human chorionic gonadotropin o hCG. Ito yung tinagurian na “pregnancy hormone.” Sa pagdami ng hCG sa katawan, tumataas din ang pagdaloy ng dugo patungo sa pelvic area (bahaging balakang) ng buntis. Sa pagtaas ng daloy ng dugo, dumarami rin ang nagiging tubig na kailangang ilabas ng mga kidney (bato) sa katawan ng buntis.

Ang mga nabanggit ay pangunahing mga dahilan kung bakit ihi ng ihi ang buntis kahit hindi pa naman malaki ang baby sa tiyan. Pero habang unti-unting lumalaki ang sanggol at nadedevelop ang kanyang urinary system, mas magiging madalas ang iyong pag-ihi sapagkat dalawa na kayong umiihi.

Sources:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *