Dr. Wong’s Sulfur Soap Para sa Pangangati ng Balat

Madalas mangati ang balat ko lalo na tuwing mag-gegeneral cleaning ako sa bahay. Dahil na rin siguro sa mga nagliliparang alikabok at balahibo ng aking mga alagang hayop. Mabilis mamula at mamantal ang aking balat na para bang kinagat ng lamok. Sa sobrang kati, hindi ko maiwasang kamutin kaya naman lagi akong may peklat. Kaya naman naisipan kong gumamit ng Dr. Wong’s Sulfur Soap para sa pangangati ng balat.
Ano ang Dr. Wong’s Sulfur Soap?
Ang Dr. Wong’s Sulfur Soap ay isang uri ng sabong pampaligo na naglalaman ng sulfur. Ang sulfur ay kilalang ingredient ng mga sabon at iba pang mga skincare product. May kakayanan kasi ang sulfur na pagalingin ang mga sumusunod na sakit o kondisyon sa balat:
Benepisyo ng sulfur soap
- Pampatuyo ng tagihawat o tigyawat
- Pantanggal ng mga dead skin cell
- Pambawas ng malangis na mukha
- Panggamot sa mga fungal infection katulad ng seborrheic dermatitis
- Pambawas ng pamamaga ng balat dahil sa acne o tigyawat
- Panggamot sa scabies o galis-aso
- Panggamot sa mga kagat ng insekto
- Pantanggal ng pangangati ng balat
Sa pagkakaalam ko, may kulay puti at kulay dilaw na packaging ang Dr. Wong’s Sulfur Soap. Yung kulay puti nila ay may moisturizer, tapos yung dilaw ay yung regular na sabon. Sa kaso ko, ang ginamit ko ay yung kulay dilaw.

Dr. Wong’s Sulfur Soap Honest Review
Una sa lahat, hindi ito sponsored. Gusto ko lang talagang mag-share ng mabisang sabong pampaligo na nakatutulong sa pagtanggal ng pangangati ng balat.
Guminhawa ang pakiramdam ko magmula nang ginamit ko ang Dr. Wong’s Sulfur Soap para sa pangangati ng balat. Sa umaga, regular na sabon ang gamit ko. Pero sa gabi, ang gamit kong sabong pampaligo ay yung Dr. Wong’s. Ginamit ko ito sa loob ng 1 buwan at talaga namang nabawasan ang pangangati ng aking balat. Bukod dito, lumabo rin ang mga peklat ko sa hita at binti.
Dr. Wong’s Sulfur Soap vs Dr. Kauffmann Medicated Sulfur Soap
Sa Pilipinas, ang dalawang naglalaban na sulfur soap ay Dr. Wong’s at Dr. Kauffman. Pero masasabi kong mas epektibo ang Dr. Wong’s Sulfur Soap kaysa sa Dr. Kaufmann Medicated Sulfur Soap.
Bago ko subukan ang Dr. Wong’s, mas nauna kong sinubukan ang Dr. Kaufmann. One month ko rin ginamit ito, pero nangangati pa rin ang balat ko at hindi nawawala ang mga peklat ko. Kaya ko naunang subukan ang Dr. Kaufmann kasi mas mura siya kumpara sa Dr. Wong’s.
Kaya kung mabilis din mangati at magpeklat ang balat ninyo, mas mainam na gamitin ang Dr. Wong’s Sulfur Soap.
paano te ggmitin b sya maligo pang sabon sa affected area n makati?
Basta walang open wound. Ligo lang na parang normal na sabon.
Ma'am/ser . pag tapos Ko po bang mag hilamos ng sulfur soap , pwede ako mag lagay ng katialis? Halos two Mons na po ksing akong namomoblema sa kung anong meron na sa muka Ko po. Kung madalas sobrang Kati nya, ang natatandaan Ko lng po nung nagamit ako ng kojic sobrang nag Banat po ung muka Ko then na irritate tas dun na po sya lumala.Sana po matulungan nyo Ko. Salamat po
2 months na. Tagal na. Consult ka na sa dermatologist. Madami nagkakaproblema sa balat pag nagamit ng whitening soap, di hiyang yung balat. Yung Katialis ba na tinutukoy mo, yung soap? Parehas lang kasing sulfur soap ang Dr. Wong's at Katialis.
pwede poh bah gamitin to sa bata
Not sure. Pero para safe, pagamit mo na lang kapag nasa teenage years na ang bata. Like 13 above.
ano pa po ba ang pwedeng gamitin na soap bukod dito kasi dati na akong gumamit nito pero hanggang ngayon andito pa ren siya , nakaka stress na
Kahit anong brand ng sulfur soap. Search mo lang sa Shopee ang sulfur soap. Pwede rin mga normal na antibacterial soap or germicidal soap like Safeguard, Green Cross, Bioderm, etc.
Epektibo then po ba ito sa Buni? Salamat po!
Pwede rin siya sa buni kasi may anti-fungal properties din siya. Pero if itong sabon lang ang gagamitin, hindi agad-agad mawawala ang buni. Need mo din gumamit ng anti-fungal cream.
Pwede po ba ito sa peklat
Hindi po yan pangtanggal ng peklat kung ganon po ang hanap niyo.
Pde ba sa Ann Ann to
Pwede. May fungicide siya.