Mga Pangunahing Lunas Kapag Inatake ng High Blood Pressure o Altapresyon

pangunahing lunas kapag inatake ng high blood

Categories :
(Last Updated On: May 12, 2023)

Ayon sa mga clinical instructor ko noon, masasabing high blood ang isang tao kapag ang presyon nito ay pumatak sa 140/90 o higit pa. Ang normal na BP kasi ay nasa 120/80. Pero sinabi rin ng mga guro ko sa nursing na depende pa rin ito sa bawat tao. Kung minsan, yung 140/90 ay normal para sa iba. Totoo ito. Gaya na lamang sa tatay ko. Normal sa kanya yung BP reading na 140/90. Kapag pumalo ng 150 presyon niya, saka lang siya nagkakandahilo. Kung ikaw o may kilala kayong madalas tumaas ang presyon, gawin ang mga pangunahing lunas kapag inatake ng high blood:

  1. Uminom ng tap water o maligamgam na tubig.
  2. Uminom ng pineapple juice.
  3. Kumain ng hilaw na bawang.
  4. Isuka ang mga pagkaing sanhi ng high blood.
  5. Magpahinga.
  6. Uminom ng gamot sa high blood.

Sa artikulong ito, ipapaliwanag natin nang isa-isa ang mga pangunahing lunas na ito.

Table of Contents

    First Aid sa High Blood

    Bago lapatan ng first aid o pangunahing lunas kapag inatake ng high blood, i-check muna ang presyon ng pasyente. Pagkatapos makunan ng presyon at nakumpirmang mataas nga ito, gawin ang mga sumusunod na first aid sa high blood:

    1. Uminom ng tap water o maligamgam na tubig.

    Ang tubig ay nakatutulong sa pagpapababa ng sodium o asin sa katawan na nakakapagpataas ng presyon. Hangga’t maaari, uminom lamang ng tap water o kaya ay maligamgam na tubig sa halip malamig na tubig. Ang maligamgam na tubig kasi ay nakatutulong sa pagpapaluwag ng mga blood vessel o daluyan ng dugo.

    2. Uminom ng pineapple juice.

    Hindi ko sinasabing gamot ang pineapple juice sa high blood. Pero gaya ng tubig, nakatutulong ito para bumaba ang iyong altapresyon. Ang pineapple juice ay mayaman sa potassium na nakatutulong sa pagbalanse ng blood pressure. Bukod dito, ang mga fiber na matatagpuan sa pineapple juice ay nagsisilbing tagalinis o tagawalis ng mga kolesterol na nakabara sa mga daluyan ng dugo.

    A cup of pineapple juice contains about 1 mg of sodium and 195 mg of potassium.

    – Manipal Hospitals

    3. Kumain ng hilaw na bawang.

    Kapag inatake ka ng high blood, naninigas at naninikip ang iyong mga blood vessel. Dahil dito, hindi makadaloy nang maayos ang iyong dugo. Ang pagkain ng hilaw o sariwang bawang ay may kakayanang i-relax ang iyong mga blood vessel para bumaba ang iyong presyon. Sa katunayan, isa ang bawang sa 10 halamang gamot na aprubado ng DOH. Meron kasing anti-hypertensive properties ang bawang. Upang bumaba ang iyong presyon, kumain ng 2 butil ng hilaw na bawang.

    pangunahing lunas kapag inatake ng high blood pin
    Pangunahing Lunas Kapag Inatake ng High Blood

    4. Isuka ang mga pagkaing sanhi ng high blood.

    Kung ang naging dulot ng altapresyon ay ang pagkain ng mga nakaka-high blood na pagkain, subukang isuka ang mga ito para bumaba ang iyong presyon. Based on experience, tumaas yung presyon ko noong nilantakan ko yung isang buong maliit na garapon ng crab paste. (Sarap eh 😅). Pero guminhawa ang pakiramdam ko nang naisuka ko yung mga kinain kong taba ng talangka. Makalipas ang ilang minuto, nawala na yung pananakit ng batok, panlalamig, at panghihina ko.

    5. Magpahinga.

    Dahil ang mataas na presyon ay nagdudulot ng pagkahilo at panghihina, mas mainam na magpahinga muna kaysa magkikilos. Kumuha ng upuan at paupuin ang pasyente nang nakalapat ang mga paa sa sahig. Iwasan ang mag-dekwatro. Pwede ring pahigain ang pasyente. Upang makadaloy nang mas maayos ang dugo, mas mainam na nakataas ang mga paa habang nakahiga.

    6. Uminom ng gamot sa highblood.

    Ayon kay Doc Willie Ong, ang madalas na first aid medicine para sa inatake ng highblood ay 1 tableta ng Clonidine 75 mcg o 1 tableta ng Captopril 25 mg.

    Depende sa payo ng doktor, ang mga gamot na ito ay pwedeng ilagay sa ilalim ng dila at hayaan lamang na matunaw. Bakit hindi na lang inumin? Mas mabilis kasi umepekto ang mga gamot sa highblood kapag sa ilalim ng dila ilalagay. Mas maa-absorb agad ang gamot at mas mabilis itong makakapunta sa bloodstream o daluyan ng dugo para bumaba agad ang iyong presyon. Kumbaga, shortcut ito at hindi na kailangan pang dumaan ng gamot sa sikmura.

    Tandaan, ang mga gamot sa altapresyon ay hindi basta-basta nabibili sa mga botika. Kailangan mo ng reseta para makabili ng mga ito. Kaya kung ikaw ay ilang beses ng inaatake ng mataas na presyon, kumonsulta na sa doktor para ikaw ay mabigyan ng mga maintenance na gamot sa high blood.

    References:

    Water Cures High Blood Pressure? – Water Cures

    DASH Diet: Foods to Eat to Lower High Blood Pressure Reading – Manipal Hospitals

    Health Guide Traditional and Alternative Medicine – Region II Trauma and Medical Center

    First aid sa na-high blood – Doc Willie Ong (PhilStar Global)

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *