Pwede Bang Magkaroon ng Kombulsyon ng Walang Lagnat?

pwede bang magkaroon ng kombulsyon ng walang lagnat

Categories :

Bumisita samin noon yung mga kamag-anak ng mister ko galing Mindanao. At kasama nila yung 4-yr-old na anak nila. A few moments later, napansin namin na nakatulala lang yung bata. Nakatayo lang siya na nakatulala. Sabi samin ng mommy niya, inaatake raw ng kombulsyon ang kanyang anak. After a few minutes, bumalik na sa wisyo yung bata. Then may pinainom na maintenance meds yung mommy niya. Nakakakita ako noong nurse pa ako ng mga nagkokombulsyon pero may lagnat sila, pero neto lang talaga ako nakakita ng kombulsyon ng walang lagnat o afebrile seizure. Talagang napaisip na lang ako na pwede palang magkaroon ng kombulsyon ang isang bata kahit hindi nilalagnat.

Table of Contents

    Nagkakaroon Talaga ng Kombulsyon Kahit Walang Lagnat?

    Yes, pwede talagang magkaroon ng kombulsyon kahit walang lagnat ang bata. May 2 pangunahing uri ang kombulsyon batay sa temperatura: (1) febrile seizure at (2) afebrile seizure.

    Pinakapamilyar sa’tin ay ang febrile seizure o kombulsyon na may kasamang lagnat. Pero ang hindi alam ng karamihan, pwede pa ring magka-kombulsyon kahit walang lagnat at ang tawag dito ay afebrile seizure. Bakit nga ba nagkakaroon ng afebrile seizure?

    Sanhi ng Kombulsyon ng Walang Lagnat sa Bata

    Nakalimutan ko na kung ano ang specific cause ng kombulsyon ng anak ng kamag-anak ni mister. Parang may nabanggit siya tungkol sa nervous system na hindi rin talaga alam ang dahilan kung bakit nagkaganon.

    Pero ayon sa aking mga nasaliksik, narito ang mga pangkaraniwang sanhi ng afebrile seizure:

    1. Idiopathic causes

    Ang ibig sabihin ng idiopathic ay hindi malaman o matukoy ng doktor kung ano talaga ang sanhi ng kombulsyon. Batay sa isang medical journal, 50% ng sanhi ng afebrile seizure ay idiopathic. Dagdag pa rito, kung idiopathic ang sanhi ng afebrile seizure, lahat ng eksamin o laboratoryo ng bata ay normal—normal yung neurological examination… pati na rin yung neurological development ng bata.

    Kung normal lahat, paano nalalaman na may kombulsyon na pala? Sa mga batang nakararanas ng afebrile seizure, may iisang pattern na na-oobserbahan ang mga doktor sa EEG (electroencephalogram). Meron daw napapansin na “epileptiform discharges” kaya natutukoy kung may kombulsyon ang bata.

    2. Symptomatic causes

    Kung ang idiopathic causes ay ang sanhi ng 50% ng kombulsyon ng walang lagnat, ang natitirang 50% naman ay sanhi ng symptomatic causes. Sa symptomatic, kitang-kita na ng mga doktor kung bakit nagkaroon ng afebrile seizure ang bata.

    Under ng symptomatic causes ay: 

    1. Pagkakaroon ng problema sa brain development ng bata
    2. May tumor ang bata
    3. Pinanganak na may problema sa metabolism ang bata
    4. Nagkaroon ng brain injury ang bata
    5. Pinanganak na may central nervous system (CNS) infection ang bata

    At marami pang iba.  

    pwede bang magkaroon ng kombulsyon ng walang lagnat pin
    Kombulsyon ng Walang Lagnat

    Sintomas ng Kombulsyon ng Walang Lagnat

    Ang mga sintomas ng afebrile seizure ay halos hindi nalalayo sa mga sintomas ng kombulsyon sa batang may lagnat katulad ng mga sumusunod:

    1. Paninigas ng muscles o kalamnan
    2. Panginginig o pagtikwas ng mga kamay at paa
    3. Pagkatulala
    4. Pagkawala ng malay
    5. Hirap sa paghinga
    6. Hindi makontrol na pag-ihi
    7. Pamumutla o pangangasul ng balat

    Pero dahil ang kombulsyon ay afebrile, hindi nilalagnat ang bata.

    Sa nangyari naman sa anak ng kamag-anak ng mister ko, ang mga pinakita lang niya na sintomas ay pagkatulala at hindi makausap. Parang blanko lang.

    Ano ang Dapat Gawin Kapag May Afebrile Seizure?

    Kung first time ng anak niyo na makaranas ng afebrile seizure, ipakonsulta siya sa doktor upang malaman kung ano ang sanhi nito at mabigyan ng tamang gamot. Bagamat ang kombulsyon mismo ay hindi nakamamatay, maaaring mayroong underlying condition ang inyong anak na maaaring makaapekto sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.

    Nagka-afebrile seizure na ba ang anak niyo? Anu-ano ang mga ipinayo sa inyo ng inyong doktor? Comment below.

    References:

    1. Approach to a child with first afebrile seizure – British Columbia Medical Journal
    2. Clinical Practice Guidelines: Afebrile Seizures – The Royal Children’s Hospital Melbourne

    Leave a Reply