Paano Gamutin ang Covid sa Bahay (for Mild and Moderate Covid Cases)

gamot sa covid

Categories :
(Last Updated On: February 16, 2023)
gamot sa covid

Ayon sa CDC at WHO, ang mild to moderate covid cases ay pwedeng gamutin na lamang sa bahay. Halos lahat ng karaniwang gamot sa Covid ay nabibili ng walang reseta, except sa antibiotic. Ang mga ibabahagi kong lunas ay base sa personal experience ko. Covid positive ako noong 2021, kaputukan ng Delta variant. Moderate Covid ang hatol sakin noong nagpa-online consult ako. Hindi naman ako na-confine kasi wala namang bakanteng ospital.

Ngayong 2022 naman, Omicron variant ang kumakalat. Pero ayon sa mga ulat, mas madali namang i-manage ang mga sintomas ng Omicron kasi parang trangkaso na lang daw ito. Kapag nagkaroon daw ng Omicron, hindi ka na raw gaanong mahihirapan sa paghinga, unlike sa Delta na parang katapusan mo na kasi hirap na hirap ka sa paghinga. Bukod dito, hindi na rin daw nawawalan ng pang-amoy at panlasa sa Omicron. Sa Delta, nawawala at pumapangit ang pang-amoy at panlasa mo. Ganunpaman, kahit ano pang Covid variant ang makaapekto sa’yo, makatutulong ang mga sumusunod na home remedies na ito.

Paano Gamutin ang Covid sa Bahay

Wala pang specific na gamot para sa Covid. Ang paggamot dito ay naaayon lamang sa mga sintomas na nararamdaman ng pasyente gaya ng mga sumusunod:

Gamot sa itchy throat/sore throat

  • Uminom ng niresetang antibiotic. Bagama’t virus ang Covid, nagrereseta rin ang mga doktor ng antibiotic para sa sore throat, lalo na kung may nakakapa kang mga kulani sa leeg mo.
  • Magmumog ng antibacterial gargle. Ang usual na antibacterial gargle for Covid ay Bactidol or Betadine Throat Gargle. For me, mas effective yung Betadine Throat Gargle at mas tolerable ang lasa kaysa sa Bactidol.
  • Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Kung walang antibacterial gargle, pwedeng alternative ang pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin.
  • Magsipsip ng lozenges. Bukod sa pananakit ng lalamunan, makati rin ito. Para mawala ang pananakit at pangangati, magsipsip ng lozenges gaya ng Strepsils or Dequadin.
  • Uminom ng antihistamine. Mabisa itong pantanggal ng pangangati ng lalamunan. Nabibili ang antihistamine kahit walang reseta.

Gamot sa sakit ng ulo

  • Uminom ng paracetamol. Any brand ay pwede naman. Pwede ang Biogesic, Tylenol, or Bioflu. Hindi ba gamot ang mga ito sa lagnat? Yes, gamot ang mga ito sa lagnat pero meron din silang analgesic properties na nakatutulong sa paggamot ng mga sakit-sakit sa anumang parte ng katawan. Pwede rin ang brand na Rexidol.
  • Hilutin o i-masahe ang ulo. Kapag nagka-Covid, kakaiba ang level ng sakit ng ulo. Bukod sa pag-inom ng gamot, pwede rin itong hilutin o i-masahe gamit ang Vicks, Efficascent Oil, White Flower, o kahit anong pampahid sa ulo.
  • Matulog nang matulog. Nakakawala rin ng sakit at bigat ng ulo kapag natutulog.

Gamot sa ubo’t sipon

  • Uminom ng gamot sa ubo’t sipon. Pwede ang Robitussin, Neozep, Tuseran, Ascof (Lagundi Syrup), at iba pa. 
  • Uminom ng tsaa na gawa sa luya (salabat), oregano, o lagundi. Iba pa rin yung may humahagod na mainit na tsaa sa lalamunan mo para mawala ang ubo’t sipon. Pwede ang tsaa na gawa sa luya, oregano, o lagundi.
  • Uminom ng maligamgam na tubig. Kung walang mapagkuhaan ng mga nabanggit na herbal, pwede na rin ang maligamgam na tubig para lumuwag ang plema.
  • Mag-steam inhalation o magtuob. Maglagay sa isang planggana ng maligamgam na tubig. Lahukan ito ng asin, Vicks, o dinikdik na luya.

Gamot sa lagnat

  • Uminom ng paracetamol. Para bumaba ang lagnat, uminom ng paracetamol. Ang pag-inom ng paracetamol ay depende sa brand. Yung ibang brand ay every 4 hours. Yung iba naman ay every 6 hours.
  • Uminom ng Lianhua Qingwen. Ito yung sikat na Chinese medication para sa influenza. Okay din daw uminom nito sabi ng online doctor ko. Hindi naman ako pinagbawalan.

Gamot sa nawalang pang-amoy at panglasa

  • Walang gamot dito. Sabi ng online doctor ko, wala pa raw gamot dito. Kusa raw babalik ang pang-amoy at panlasa, pero baka abutin ng 9 months. (At totoo nga. Halos 5 months na kong recovered as of this writing, wala pa rin ako pang-amoy at panlasa na maayos).
  • Hindi totoo yung magsunog ng orange at yun ang kainin. Maraming kumakalat na videos sa Facebook, Tiktok, at Youtube na nakapagpapabalik ng pang-amoy at panlasa ang pagkain ng sinunog na orange. Pero sa totoo lang, malalasahan mo pa rin naman talaga ang maaasim na pagkain. Makakalasa ka pa rin ng kaunting tamis at alat pero parang naging mas matabang at nawala ang linamnam.
  • Smell training. Hindi ito gamot. Pero maaari raw bumilis ang pagbalik ng nawalang pang-amoy kung magsasagawa ng smell training. Sa smell training, aamoy ka ng 4 na iba’t ibang amoy ng 2 beses sa loob ng isang araw sa loob ng maraming buwan.

Gamot sa hirap sa paghinga

  • Uminom ng niresetang antibiotic. Kadalasang nireresetahan ng antibiotic yung mga pasyenteng kulay berde o dilaw ang plema, o yung may halong dugo. Ibig sabihin kasi nito, nagprogress na sa pulmonya.
  • Magnebulize. Kung may nebulizer sa bahay, pwedeng mag-nebulize ng Salbutamol o kahit PNSS water lang.
  • Breathing exercises. Maghanap sa Youtube ng breathing exercises for Covid patients upang lumakas ang mga baga.
  • Gumamit ng oxygen tank or oxygen concentrator. Marami rin sa moderate Covid cases ang nangangailangan ng oxygen tank or oxygen concentrator. Maraming nagbebenta niyan online, mahal nga lang.

Iba Pang Posibleng Kailanganing Gamot

  • Vitamin D
  • Vitamin B-Complex
  • Gamot sa pagtatae
  • Gamot sa pagsusuka
  • Gamot sa heartburn/ulcer

Mga Iba Pang Dapat Gawin Para Lumakas at Gumaling Agad sa Covid

  • Kumain 3x a day. Kumain kahit walang pang-amoy at panlasa. Magmeryenda rin kung kaya.
  • Humigop ng mainit na sabaw. Mas ok yung mga sabaw na may luya.
  • Kumain ng mga prutas. Lalo na yung mayaman sa vitamin C gaya ng orange. Kung nagtatae, kumain ng saging.
  • Magsagawa ng light exercise. Nakapanglalata ng katawan kapag may Covid. Pero kung hindi ka kikilos, mas lalo kang manglalata/manghihina.
——-
This blog post is originally written by Pinoy Health Tips and first published on Jan. 11, 2022. If you see this blog post elsewhere, please message me here 👉 Pinoy Health Tips Contact Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *