Ano ang Gagawin Kapag Nasamid o Nabulunan ng Gatas si Baby?


Categories :
(Last Updated On: February 16, 2023)
nabulunan ng gatas si baby

First time parent ka man o hindi, talagang nakakakaba kapag yung baby mo ay nasamid o nabulunan ng gatas habang pinapadede mo siya. Nariyan yung bigla na lang siya uubo at unti-unting nagiging mapula ang kanyang mukha.

Kapag si baby ay nasamid o nabulunan ng gatas, kumalma ka lang muna at gawin ang mga sumusunod na hakbang:

1. Patigilin ang pagpapadede kay baby.

2. Kargahin si baby nang patayo at huwag siyang ihiga.

3. Haplusin ang kanyang likod hanggang sa umayos ang kanyang pakiramdam.

Kadalasan ay nareresolba naman agad ang pagkakasamid ng baby lalo na kung ito ay gatas lamang.

Upang hindi na ulit masamid o mabulunan ng gatas si baby, ayusin ang posisyon niya habang siya ay pinapadede o pinapasuso.

Subalit, kung si baby ay nagkukulay-asul na o nawalan ng malay, kailangan mo siyang bigyan agad ng rescue breathing. Dahil kung hindi, ay mangaganib ang kanyang buhay. Habang ikaw ay nagrerescue breathing, siguraduhin na ikaw o ang kasama mo sa bahay ay nakatawag na ng ambulansya o sasakyan na magdadala sa baby sa ospital.

Kahit ikaw ay hindi isang medikal na propesyonal, pwede ka namang magsagawa ng rescue breathing lalo na at ito ay emergency. Panoorin ang sumusunod na video ng rescue breathing para sa baby:

Sources:
——-
This blog post is originally written by Pinoy Health Tips and first published on Oct. 8, 2021. If you see this blog post elsewhere, please message me here 👉 Pinoy Health Tips Contact Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *