Home Remedy Para sa Masakit na Ngipin Kung Hindi Makabili ng Gamot

home remedy para sa masakit na ngipin

Categories :
(Last Updated On: July 23, 2023)

Karamihan sa ating mga Pinoy ay walang pambili ng gamot, o sadyang nanghihinayang lang na gumastos. Kaya kahit sumasakit nang todo ang ngipin, hahayaan na lang at titiisin hanggang sa mawala ang sakit. Kung hindi talaga makabibili ng gamot para sa masakit na ngipin, pwede mo pa ring lapatan ito ng lunas. May subok na kaming home remedy para sa masakit ng ngipin. At ang kagandahan nito, matatagpuan mo lang ang home remedy na ito sa iyong kusina.

Table of Contents

    Bawang at Asin: Home Remedy Para sa Masakit na Ngipin

    bawang at asin
    Bawang at Asin (Source)

    Noong may bulok na ngipin ang asawa ko, at wala pa kaming budget noon pampabunot (kasi hindi pa kami nasahod), ay inatake siya ng sobrang pananakit ng ngipin. Bumili muna kami ng pain reliever para maibsan yung pananakit. Kaso wala talaga. Namimilipit pa rin yung asawa ko sa sakit. Kaya nag-research ako ng home remedy para sa masakit na ngipin. At doon ko nalaman na pwede pala ang bawang at asin. Share ko sa inyo yung eksaktong ginawa kong preparasyon para mawala yung pananakit ng ngipin.

    Paano Ihanda ang Bawang at Asin Para sa Masakit na Ngipin

    Madali lamang iprepara ang bawang at asin bilang home remedy para sa masakit na ngipin. Sundin lamang ang mga sumusunod na steps:

    1. Magpakulo ng tubig.
    2. Isalin ang pinakuluang tubig sa baso o tasa.
    3. Haluan ang mainit na tubig ng 1 kutsaritang asin at tinadtad na bawang (mga 2-3 cloves).
    4. Hayaang medyo mababad muna ang bawang at asin sa mainit na tubig.
    5. Kapag maligamgam na ang tubig, pwede na itong imumog.

    Iba Pang Pamamaraan ng Paghahanda ng Bawang at Asin Bilang Gamot sa Masakit na Ngipin

    Ang madalas kong nababasang paghahanda sa home remedy na ito ay ang pagdurog ng bawang, pagkatapos ay hahaluan ito ng asin. Pagkadurog, direkta itong itatapal at imamasahe sa apektadong bulok na ngipin.

    Pero naisip kong medyo masakit ang ganitong pamamaraan. Kaya ang ginawa ko na lamang para sa asawa ko ay etong may kahalong mainit-init na tubig para kanyang imumumog na lamang. Ang kagandahan sa paghalo ng bawang at asin sa mainit na tubig ay mas nakapagbibigay ito ng ginhawa at nakatutulong ito sa pagtanggal ng pamamaga.

    home remedy para sa masakit na ngipin pin
    Home Remedy Para sa Masakit na Ngipin Kung Hindi Makabili ng Gamot

    Bakit Epektibo ang Bawang at Asin sa Sakit ng Ngipin?

    Kahit ang mga dentista ay inirerekomendang home remedy ang bawang para sa sakit ng ngipin dahil ito ay may antibacterial property na nakatutulong sa pagpuksa ng impeksiyon sa ngipin.

    Garlic is widely known to have antibacterial properties due to allicin, which is one of the main compounds in garlic and a natural disease fighter.

    Stunning Smiles of Lake Forest

    Sa asin naman, nagsisilbi rin itong disinfectant at nakatutulong sa pagpapahupa ng pamamaga ng ngipin at gilagid.

    Rinsing with salt water also serves as a disinfectant and helps reduce inflammation. 

    Allred Family Dentistry

    Epektibo Ba Talaga ang Bawang at Asin sa Masakit na Ngipin?

    Gaya ng sinabi ko, umepekto ito sa asawa ko. Bagamat hindi ito kasingbilis umepekto ng mga pain reliever, mabisa pa rin ang bawang at asin bilang first aid sa masakit na ngipin.

    Nakakabasa rin ako ng mga comment ng followers ko sa PHT Facebook Page na effective talaga ang ibinahagi kong gamot sa sakit ng ngipin. Narito ang ilang screenshots:

    home remedy para sa masakit na ngipin proof
    Katunayan na Epektibo ang Bawang at Asin

    Pwede niyo ring bisitahin yung mismong Facebook post ko para makita yung comments ng iba. Eto yung link.

    Bumisita pa rin sa Dentista

    Ang bawang at asin ay panandaliang home remedy lamang. Para hindi na bumalik ang pananakit ng ngipin niyo, kailangang pumunta sa dentista at ipaayos o ipabunot ang sirang ngipin.

    References:

    Five Tooth Pain Remedies to Try at Home – Stunning Smiles of Lake Forest

    4 Best Home Remedies for Tooth Pain and When To See a Dentist – Allred Family Dentistry

    2 thoughts on “Home Remedy Para sa Masakit na Ngipin Kung Hindi Makabili ng Gamot”

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *