Bawang: Home Remedy Para sa Buni

bawang home remedy para sa buni

(Last Updated On: December 6, 2023)

Ang bawang ay isa sa 10 halamang gamot na aprubado ng DOH. At mas kilala ang bawang bilang pampababa ng presyon. Pero, pwede ring gamitin ang bawang home remedy para sa buni o ringworm. Bago natin talakayin kung paano gamitin ang bawang para sa buni, alamin muna natin kung anu-ano ba ang mga component nito.

Table of Contents

    Anong Meron sa Bawang at Nakakagaling Ito ng Buni?

    Base sa isang pag-aaral, ang bawang ay mayroong antidermatophytic activity. Ibig sabihin nito, may kakayanang labanan ng bawang ang mga dermatophyte — isang uri ng fungi. Ang mga dermatophyte ay kadalasang nagdudulot ng fungal infection sa balat, buhok, at mga kuko. Pero gamit ang garlic extract, lumabas sa pag-aaral na kaya nitong pigilan ang pagdami ng mga fungi.

    Ayon pa sa mga mananaliksik, kung makakakuha ng mas purong garlic extract na nagtataglay ng antidermatophytic properties, posible nitong matapatan ang mga pangkaraniwang anti-fungal na gamot.

    Take note: Ang pag-aaral na ito ay in vitro lamang. Ibig sabihin, sa laboratoryo lang isinagawa ang pag-aaral at hindi sila nag-test sa mga tao. Ganunpaman, dahil sa pag-aaral na ito, kinakikitaan ng malaking potensyal ang bawang bilang gamot sa fungal infections, gaya ng buni.

    Iba’t Ibang Paraan Para Gamitin ang Bawang Home Remedy sa Buni

    Kung ikaw ay may buni at wala kang anti-fungal cream para ipangpahid dito, mabisang gamitin ang bawang home remedy para sa buni. Narito ang iba’t ibang paraan para i-prepara ito:

    Dinikdik na Bawang

    1. Kumuha ng 1 butil ng bawang at balatan ito.
    2. Dikdikin ang bawang hanggang sa kumatas.
    3. Ipahid ang katas at dinikdik na bawang sa buni.
    4. Takpan ng gasa ang apektadong bahagi.
    5. Pwedeng alisin ang gasa at bawang after 30 minutes.
    6. Pagkatapos ay hugasan ang buni ng maligamgam na tubig.
    7. Magpahid ng dinikdik na bawang 2 beses sa isang araw: pagkagising sa umaga at bago matulog.
    bawang home remedy para sa buni pin
    Bawang: Home Remedy Para sa Buni

    Garlic Oil

    1. Kumuha ng 4-5 butil ng bawang at balatan ang mga ito.
    2. Dikdikin ang mga butil ng bawang hanggang sa kumatas.
    3. Ilagay ang dinikdik na bawang sa isang tasa at lahukan ito ng langis, gaya ng olive oil o coconut oil.
    4. Ibabad ang dinikdik na bawang sa langis ng 3-7 araw.
    5. Salain ang bawang. (Pwede ring hindi).
    6. Ipahid ang garlic oil sa buni. (Pwede ring ipahid ang langis na may kasamang bawang).
    7. Takpan ng gasa ang apektadong bahagi.
    8. Pwedeng alisin ang gasa at bawang after 30 minutes.
    9. Pagkatapos ay hugasan ang buni ng maligamgam na tubig.
    10. Magpahid ng garlic oil 2 beses sa isang araw: pagkagising sa umaga at bago matulog.

    Bawang at Pulot (Honey)

    1. Kumuha ng 1 butil ng bawang at balatan ito.
    2. Dikdikin ang bawang hanggang sa kumatas.
    3. Haluan ang bawang ng 1 kutsara ng pulot.
    4. Ipahid ang pinaghalong bawang at pulot sa buni.
    5. Takpan ng gasa ang apektadong bahagi.
    6. Pwedeng alisin ang gasa at bawang after 30 minutes.
    7. Pagkatapos ay hugasan ang buni ng maligamgam na tubig.
    8. Magpahid ng bawang na may pulot 2 beses sa isang araw: pagkagising sa umaga at bago matulog.

    Tandaan, bago ipahid ang bawang sa buni, siguraduhing nakapaglinis muna ng katawan. Kung sakaling hindi hiyang ang balat niyo sa bawang, itigil agad ang paggamit nito.

    References:

    1. Antidermatophytic activity of garlic (Allium sativum) in vitro – Pub Med
    2. Dermatophyte Infections – AAFP
    3. Are there any home remedies for ringworm? – Medical News Today
    4. How to Cure Ringworm Fast – Rela Hospital
    5. Natural Home Remedies for Ringworm – PharmEasy

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *