Strepsils Gamot Para sa Masakit na Lalamunan o Sore Throat

strepsils gamot para sa masakit na lalamunan

Categories :
(Last Updated On: January 1, 2024)

Ang Strepsils ay kilalang gamot para sa masakit na lalamunan o sore throat. Ang Strepsils ay available sa halos lahat ng botika gaya ng Mercury, South Star Drug, Carlos Super Drug, at iba pa. Meron din ito sa mga convenience store katulad ng 7/11. Hindi mo na kailangan pa ng reseta ng doktor para makabili ng Strepsils.

Note lang. Hindi ito sponsored. Gusto ko lang talaga mag-share ng mga effective na home remedies na nasubukan ko na rin gaya netong Strepsils.

Table of Contents

    Ano ang Strepsils?

    Ang Strepsils ay isang uri ng lozenge. Para siyang kendi na hugis bilog at matamis (o maasim) depende sa flavor. Meron itong original flavor, honey and lemon, cherry, orange, strawberry, at iba pa. Bisitahin niyo na lang ang official website ng Strepsils Philippines para malaman kung anu-anong klase pa ng Strepsils ang available.

    Bawat flavor kasi, may kanya-kanyang indikasyon. Halimbawa, ang Strepsils Original ay para sa ordinaryong pananakit ng lalamunan. Pero kung ikaw ay may diabetes at nananakit ang iyong lalamunan, ang pinakamainam na flavor sa’yo ay strawberry kasi ito yung sugar-free.

    strepsils gamot para sa masakit na lalamunan pin
    Strepsils Gamot Para sa Masakit na Lalamunan

    Paano Gamutin ang Sore Throat Gamit ang Strepsils?

    Gaya ng mga gamot at health supplements, may tamang pag-inom o paggamit ng Strepsils para mas mabilis na gumaling ang iyong masakit na lalamunan. Sundin lamang ang mga sumusunod:

    1. Kumuha ng 1x Strepsils lozenge.
    2. Sipsipin ang Strepsils nang dahan-dahan hanggang maubos. Huwag itong kakagatin. Hayaan lang itong matunaw sa iyong bibig.
    3. Upang mas mabilis na guminhawa ang iyong lalamunan, mag-Strepsils every 2 or 3 hours. Pero huwag hihigit sa 12 na Strepsils sa loob ng 24 oras at baka ma-overdose at makaranas ng hindi inaasahang side effects.

    Mga Dapat Tandaan sa Pag-Gamit ng Strepsils

    Ang mga sumusunod na paalala ay galing mismo sa Strepsils Philippines:

    1. Ang Strepsils ay angkop lamang para sa mga may edad na 16 years old pataas.
    2. Meron namang pambatang Strepsils. Pero ang bata ay dapat at least 6 years old man lang.
    3. Hindi pwede ang Strepsils na pambata sa mga batang below 6 years old.
    4. Kung ikaw ay buntis o kaya naman ay may hika, kumonsulta muna sa doktor bago gumamit ng Strepsils.

    Gumagamit ka ba ng Strepsils? Nawawala ba ang sore throat mo kapag gumamit ka nito? Share your thoughts in the comments!

    References:

    Strepsils Philippines

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *