Paano Ihanda ang Halamang Gamot na Oregano Para sa Ubo

halamang gamot na oregano para sa ubo

(Last Updated On: January 3, 2024)

Sa lugar namin, mas kilalang halamang gamot sa ubo ang oregano kaysa sa lagundi. Kahit na yung lagundi ang aprubadong halamang gamot ng DOH. May tanim kaming lagundi, pero never pa namin ginamit etong halamang gamot na’to kasi bukod sa hindi kami sanay, eh kaya naman na ng oregano pagalingin ang mga ubo namin. So, paano ihanda ang halamang gamot na oregano para sa ubo?

Table of Contents

    Paano Gamitin ang Oregano sa Ubo?

    Kung gusto niyo ring subukan ang oregano para sa ubo, gawin lamang ang mga sumusunod:

    1. Pumitas ng 15 dahon ng oregano.

    Hindi talbos ng oregano ang pinipitas, kundi yung malalaking dahon. Piliin ang mga dahon na walang sira at walang mga insekto.

    2. Hugasan ang mga pinitas na dahon ng oregano.

    Hugasan nang maigi ang mga dahon para matanggal ang mga putik-putik o anumang dumi ng mga ito.

    3. Pakuluan sa loob ng 10 minuto.

    Ilagay ang mga dahon ng oregano sa isang takure o anumang pwedeng pagpakuluan. Lagyan ito ng 3 tasa ng malinis na tubig. Pakuluan ang mga dahon sa loob ng 10 minuto hanggang sa umamoy at kumatas.

    4. Inumin ang pinakuluang oregano 3 beses isang araw.

    Inumin ang isang tasa ng pinakuluang oregano. Uminom nito 3 beses isang araw (umaga, tanghali, at gabi).

    halamang gamot na oregano para sa ubo pin
    Gamutin ang Ubo Gamit ang Oregano

    Mga Pwedeng Ihalo sa Oregano Kung Hindi Mo Kaya ang Lasa Nito

    Noong bata pa ako (hanggang ngayong matanda na ako 😅), hindi ko gusto ang lasa ng oregano. Ang lasa ng pinakuluang oregano ay medyo mapait na matabang. Siguro, hindi lang talaga ako sanay mag-iinom ng mga herbal tea. Pero mas tolerable ang lasa niya kaysa sa mga barley tea at green tea.

    Kaya naman ang ginagawa ng nanay ko dati ay hinahaluan niya ng mga sumusunod ang iniinom kong oregano para sa ubo:

    1. Kalamansi

    Patakan ng 1 kalamansi ang iinumin mong oregano. Kung walang kalamansi, pwede rin ang dalandan at lemon. Tantyahin niyo na lang kung gaano karami.

    2. Honey (Pulot) o Asukal

    Kung gusto niyo ng manamis-namis na lasa, pwede ring ang honey. Kung walang honey, pwede rin ang 1 kutsaritang asukal.

    Ligtas Bang Gamitin ang Halamang Gamot na Oregano Para sa Ubo?

    Yes, safe ang halamang gamot na oregano para sa ubo basta tama ang pagprepara at pagkonsumo. Noon pa man, ginagamit na talaga ang oregano para sa ubo, hika, bronchitis, at iba pa sa traditional medicine.

    Pero siyempre, gaya ng ibang gamot, health supplements, at iba pang mga halamang gamot, iminumungkahi ng mga medikal na propesyonal na iwasan ang pagkonsumo nito lalo na kung ikaw ay buntis at nagpapa-breastfeeding.

    Gumagamit ba kayo ng oregano para gamutin ang inyong ubo? Effective ba sa inyo?

    References:

    Oregano – MedlinePlus

    Oregano – RxList

    Can oregano oil help treat a cold? – Medical News Today

    Oregano (Origanum vulgare) extract for food preservation and improvement in gastrointestinal health – National Library of Medicine

    Oregano – Uses, Side Effects, and More – WebMD

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *