Mga Posibleng Sakit ng Tiyan

Ang tiyan ay may iba’t ibang bahagi at organs. Kaya naman, marami ring sanhi ng pananakit ng tiyan.
Ilan sa mga pangkarinawang posibleng sakit ng tiyan ay appendicitis, diarrhea, at ulcer. Bukod sa mga ito, pwedeng ang pananakit ay dulot ng gallstones (bato sa apdo), pancreatitis, hernia (luslos), at iba pa.
Kung magpapa-check-up ka sa doktor, mapapansin na lagi nilang tinatanong kung saang parte ba ng tiyan sumasakit. Ito ay dahil sa ang bawat bahagi ng tiyan ay may kaakibat na sakit.
Halimbawa, kung sinabi mong sa kanan at bandang ibaba ng tiyan mo nararamdaman ang sakit, posibleng meron kang appendicitis. Nasa ganitong bahagi kasi ang appendix.

Mga Rehiyon, Organs, at Posibleng Sakit ng Tiyan
Gumawa ako ng simpleng illustration para malaman niyo kung anu-ano ba ang mga posibleng sakit ng tiyan batay sa regional areas nito.
Sa internet kasi bukod-bukod. Pero dito, pinagsama ko yung abdominal regions, organs, at mga sakit para isang tinginan na lang.

Mga Pangkaraniwang Dahilan ng Pagsakit ng Tiyan
Kung titingnan yung mga sakit sa bawat abdominal region, parang nakakatakot ano? Pero tandaan, hindi porket sumakit ang tiyan mo sa ganito o ganoong bahagi ay meron ka na agad na malubhang sakit.
Pwedeng sumakit ang tiyan mo dahil sa mga sumusunod:
- Nalipasan ka ng gutom
- May nakain kang sirang pagkain
- May nainom/nakain kang sobrang asim, pait, o anghang
- Malapit ka ng datnan ng regla
- Kinakabahan o natatakot ka
- Nabugbog ang tiyan mo sa pag-eehersisyo
- Nasuntok ang tiyan mo
- Napagod ka kakalaba at kakabanlaw ng mga damit
- Matagal ka ng hindi nakakatae
- Hindi mo mailabas/maiutot ang hangin sa iyong tiyan
Kailan Dapat Magpakonsulta sa Doktor Kapag Masakit ang Tiyan?
Bago mag-panic, isipin mo muna kung anu-ano ba ang iyong mga kinain, ininom, o ginawa.
Kung hindi mo alam ang eksaktong dahilan kung bakit masakit ang tiyan, magpakonsulta sa doktor lalo na kung ang pananakit ng tiyan ay may kasamang alinman sa mga sumusunod:
- Sobrang pananakit ng tiyan
- Pagsusuka
- Pagtatae
- Lagnat
- Pagdumi ng may kasamang dugo
- Pananakit ng balikat, leeg, at dibdib
- Parang tambol o matigas-tigas hawakan ang tiyan
- Hirap sa paghinga
- May injury ang tiyan
Bago ka bigyan ng doktor ng mga gamot sa pananakit ng tiyan, maaaring sumailalim ka muna sa mga laboratory test, gaya ng blood, urine, at stool tests, abdominal ultrasound, abdominal x-ray, at iba pa.
hi po anu po ba saket pag yun bandang tagiliran sa kanan pag pinipisil oh pinipindot masaket po appendicitis po ba or ulcer po ? natural lang po ba yun oh kailangan kuna po mag pa check up ?tapos po minsan nilalagnat po ako nung nakaraan nag ka langnat po ako tapos ngayun po ulet nilalagnat po ako anu po ba mainam na gamot po dito salamat po
Hi. Since nananakit ang tagiliran mo at may lagnat ka pa, ang pinakamabuti mong gawin ay magpa-check up sa doktor. Marahil ang pananakit ng tagiliran mo ang sanhi ng iyong lagnat. Ang Pinoy Health Tips ay hindi naglalayong mag-diagnose ng sakit; ito ay para lamang magbigay ng karadagang impormasyon tungkol sa kalusugan.
Hi po paano po pag sumasakit yung upper left ng tiyan kumikirot po kasi ano po yun ulcer?
Kung ibabase lamang sa parteng masakit, puwede itong ulcer or pancreatitis. Pero para malaman kung ano talaga ang sakit, magpa-checkup sa doktor.
ano po kaya ang dahilan kung madalas unutot ang bata?masakit minsan tiyan pero nawawala nman po.
Baka po sa diet. May mga pagkain kasing nakakautot. Kung may kasamang pananakit, pa-checkup.
Hai poh ano poh sakit ng sa my baba poh ng sikmura kc kpag pinisil q poh msakit
Hi Suzette. Doktor lang ang makakapagsabi o makakapagdiagnose ng nararamdaman mong sakit. Kailangang personal na makita o ma-assess yan ng doktor, hindi yung sa internet lang.
Hello po.ano pong maaaring sanhi ng pananakit ng kaliwang tagiliran ko?
Hi. Gaano kakaliwa? Sa may parteng left hypochondriac ba, o sa left lumbar, o sa left iliac? Hindi ko masabi kasi hindi masyado malinaw. Posibleng ngalay lang. Posible ding may kaugnayan sa kidneys, at iba pa. Anu-ano pa ba ang iyong nararamdaman bukod sa pananakit ng iyong kaliwang tagiliran? Anu-ano ang mga kinain mo or ginawa mo nang ito ay sumakit? Gaano kasakit? Para mas sigurado kung ano ang sanhi, magpa-konsulta sa doktor. Para na rin ma-assess ang iyong kondisyon.
Good morning po nakakaramdam po ako ng mahirap na pagdumi at minsan madalas na pagdumi ngunit mabula at halos likido, sumasakit po ang aking kaliwang tiyan bandang itaas po.madalas din po ako dighayin lalo ma pag inom ng kape. Ano po kaya ang nararamdaman kong ito? Maraming salamat po…
Hi Ariel. Pwede ka magtanong sa website na ito: http://www.buhayofw.com/categories/medical-advice Mga doktor ang nasagot dyan. Hindi kasi ako doktor na pwedeng mag-diagnose ng sakit. Basahin ang aking "Paalala" page: http://pinoyhealthtips.blogspot.com/p/paalala.html Dahil nakakaramdam ka ng madalas at malikidong pagdumi, marahil ay nakakaranas ka ng pagtatae. At ang pagtatae din talaga ay nagdudulot ng pananakit ng tiyan (anumang bahagi depende sa tao). Pero para sigurado, magpakonsulta sa doktor. Tungkol naman dun sa bakit ka dighay ng dighay kapag nainom ng kape, nakakadighay talaga ang kape sapagkat ito ay acidic. Nagdudulot ang madalas na pag-inom ng kape na mag-produce ang katawan ng extrang hangin. At pwede rin itong magdulot ng pagtatae.
Hi po. Masakit po parati kaliwang tagiliran q sa upper part po sa likod minsan nmn po tumutugon sa left side ng sikmura ko. Almost a year na po to nararamdaman since namatay ung mama ko nag start na po ito. Almost 4 times na ako ngpa check up sa doctors pro isa lang ung sinasabi nla na hyperacidity lg dw at malamang dahil stressed ako ksi 1 time pinisil nga doctor ang upper left side ko sa likod pro hndi nmn masakit at hinampas2 nya po ang tyan ko mahangen dw po ako. At napapansin q minsan pag nag rerelease ako ng hangin gumagaan nmn ung sakit ng tyan at ang upper left side q sa likod pro bumabalik dn after few days. 😟 my ma e susugest po ba kayo on what to do? Nagagastusan npo kc ako sa mga gamot at check ups. Salamat 😊
Hi Cheska. Kailan ba huling check-up mo sa doktor? Anong sabi?
Masikt po left tummy kk ano po remedy doc
Una po sa lahat, hindi po ako doktor. Rehistradong nars lamang po. Kaya hindi ako pwede mag-diagnose ng sakit na nararamdaman niyo. Para malaman kung ano yan, kailangang "personal" na i-assess yan ng doktor, hindi basta-basta lang sinasabi kung san masakit via internet pa.
Hello po . May tanong lang po ako . Signs point ba ng anung sakit kapag sumasakit yong puson KO po hanggang taas ng pusod . Hindi rn po ako makatagilid kc sumasakit po ang tagiliran KO sa ganu g posisyon . Thanks po
Hi po . ano po bang dahilan ng pananakit ng tiyan sa upper left ko po . kse every morning sumsakit ang tiyan ko ? Ano po bang dahilan bakit sa umaga sumasakit ang tiyan ko?
Hi. Baka makatulong ito sa tanong mo. Pakibasa na lang. https://www.zocdoc.com/answers/6296/why-does-my-stomach-hurt-every-morning-when-i-wake-up
Hi. Pasensya na. Di ko masasagot. Kailangan kasi ng health assessment para malaman kung ano yan. Paki-visit na lang ang Buhay OFW Ask Doctors. Baka matulungan ka doon.
Hi po. Ano pong magandang gawin if both hypochondriac ang sumasakit?
Magpa-checkup po sa doktor for assessment ng sakit.
Hello po. Ask ko lng po kung bkit sumasakit ang kanang tagiliran ko? Mnsan nawawala po ung sakit tpos after a few hours sasakit na nmn. Kpag nkahiga po ako patagilid sa kaliwa para d masakit. Ano po ba ang dhilan? At anu po ang pwede kung gawin?
Hindi ko alam. Best is magpa-checkup sa doctor para i-assess ka. Kung sa kanang tagiliran, ang laging suspetsa ay appendicitis. Nasa kanan kasi ang appendix.
Hello po tanung lang po ano po mabisang gamot para sa sakit ng tiyan sa pusod banda ,
Bakit kaya sumakit? Anong ginawa or kinain mo bago sumakit tiyan mo? Ang paggamot kasi, depende sa kung anong dahilan.
Hala sis cheska same tau ng nararamdaman simula nastress ako gnyn n dn nraramdaman k mskit tas minsan ok tas babalik dn
masakit po ang kanan bahagi ng tagiliran ko, tpos hin ako nagdudumi ano po pwde kong gawin?
Posibleng ang pagsakit ng tiyan mo ay gawa ng hindi mo pagdumi. Uminom ng maraming tubig. 10-12 glasses. Kumain ng fiber-rich foods gaya ng prutas at gulay. Mag-exercise para bumaba ang dumi.
gamot sa sakit ng tiyan
Masakit po Yung lower left ko po malapit sa puson po .minsan palipat lipat Yung sakit .ano poba Ito?