Mga Posibleng Sakit ng Tiyan

posibleng sakit ng tiyan

Categories :
(Last Updated On: April 5, 2023)

Ang tiyan ay may iba’t ibang bahagi at organs. Kaya naman, marami ring sanhi ng pananakit ng tiyan.

Ilan sa mga pangkarinawang posibleng sakit ng tiyan ay appendicitis, diarrhea, at ulcer. Bukod sa mga ito, pwedeng ang pananakit ay dulot ng gallstones (bato sa apdo), pancreatitis, hernia (luslos), at iba pa.

Table of Contents

    Kung magpapa-check-up ka sa doktor, mapapansin na lagi nilang tinatanong kung saang parte ba ng tiyan sumasakit. Ito ay dahil sa ang bawat bahagi ng tiyan ay may kaakibat na sakit.

    Halimbawa, kung sinabi mong sa kanan at bandang ibaba ng tiyan mo nararamdaman ang sakit, posibleng meron kang appendicitis. Nasa ganitong bahagi kasi ang appendix.

    posibleng sakit ng tiyan pin
    Mga Posibleng Sakit ng Tiyan

    Mga Rehiyon, Organs, at Posibleng Sakit ng Tiyan

    Gumawa ako ng simpleng illustration para malaman niyo kung anu-ano ba ang mga posibleng sakit ng tiyan batay sa regional areas nito.

    Sa internet kasi bukod-bukod. Pero dito, pinagsama ko yung abdominal regions, organs, at mga sakit para isang tinginan na lang.

    mga posibleng sakit ng tiyan
    Abdominal Regions, Organs, and Its Diseases (Illustration by PinoyHealthTips.Net)

    Mga Pangkaraniwang Dahilan ng Pagsakit ng Tiyan

    Kung titingnan yung mga sakit sa bawat abdominal region, parang nakakatakot ano? Pero tandaan, hindi porket sumakit ang tiyan mo sa ganito o ganoong bahagi ay meron ka na agad na malubhang sakit.

    Pwedeng sumakit ang tiyan mo dahil sa mga sumusunod:

    • Nalipasan ka ng gutom
    • May nakain kang sirang pagkain
    • May nainom/nakain kang sobrang asim, pait, o anghang
    • Malapit ka ng datnan ng regla
    • Kinakabahan o natatakot ka
    • Nabugbog ang tiyan mo sa pag-eehersisyo
    • Nasuntok ang tiyan mo
    • Napagod ka kakalaba at kakabanlaw ng mga damit
    • Matagal ka ng hindi nakakatae
    • Hindi mo mailabas/maiutot ang hangin sa iyong tiyan

    Kailan Dapat Magpakonsulta sa Doktor Kapag Masakit ang Tiyan?

    Bago mag-panic, isipin mo muna kung anu-ano ba ang iyong mga kinain, ininom, o ginawa.

    Kung hindi mo alam ang eksaktong dahilan kung bakit masakit ang tiyan, magpakonsulta sa doktor lalo na kung ang pananakit ng tiyan ay may kasamang alinman sa mga sumusunod:

    • Sobrang pananakit ng tiyan
    • Pagsusuka
    • Pagtatae
    • Lagnat
    • Pagdumi ng may kasamang dugo
    • Pananakit ng balikat, leeg, at dibdib
    • Parang tambol o matigas-tigas hawakan ang tiyan
    • Hirap sa paghinga
    • May injury ang tiyan

    Bago ka bigyan ng doktor ng mga gamot sa pananakit ng tiyan, maaaring sumailalim ka muna sa mga laboratory test, gaya ng blood, urine, at stool tests, abdominal ultrasound, abdominal x-ray, at iba pa.

    References:

    Abdominal regions and the organs inside them! – MedicTests

    Approach to Abdominal Pain – by Dr. Abdulaziz Alrabiah, MD, Emergency Medicine, Trauma and EMS Specialist (SlidePlayer)

    Abdominal Pain – Mount Sinai

    31 thoughts on “Mga Posibleng Sakit ng Tiyan”

    1. hi po anu po ba saket pag yun bandang tagiliran sa kanan pag pinipisil oh pinipindot masaket po appendicitis po ba or ulcer po ? natural lang po ba yun oh kailangan kuna po mag pa check up ?tapos po minsan nilalagnat po ako nung nakaraan nag ka langnat po ako tapos ngayun po ulet nilalagnat po ako anu po ba mainam na gamot po dito salamat po

    2. Hi. Since nananakit ang tagiliran mo at may lagnat ka pa, ang pinakamabuti mong gawin ay magpa-check up sa doktor. Marahil ang pananakit ng tagiliran mo ang sanhi ng iyong lagnat. Ang Pinoy Health Tips ay hindi naglalayong mag-diagnose ng sakit; ito ay para lamang magbigay ng karadagang impormasyon tungkol sa kalusugan.

    3. Hi. Gaano kakaliwa? Sa may parteng left hypochondriac ba, o sa left lumbar, o sa left iliac? Hindi ko masabi kasi hindi masyado malinaw. Posibleng ngalay lang. Posible ding may kaugnayan sa kidneys, at iba pa. Anu-ano pa ba ang iyong nararamdaman bukod sa pananakit ng iyong kaliwang tagiliran? Anu-ano ang mga kinain mo or ginawa mo nang ito ay sumakit? Gaano kasakit? Para mas sigurado kung ano ang sanhi, magpa-konsulta sa doktor. Para na rin ma-assess ang iyong kondisyon.

    4. Good morning po nakakaramdam po ako ng mahirap na pagdumi at minsan madalas na pagdumi ngunit mabula at halos likido, sumasakit po ang aking kaliwang tiyan bandang itaas po.madalas din po ako dighayin lalo ma pag inom ng kape. Ano po kaya ang nararamdaman kong ito? Maraming salamat po…

    5. Hi Ariel. Pwede ka magtanong sa website na ito: http://www.buhayofw.com/categories/medical-advice Mga doktor ang nasagot dyan. Hindi kasi ako doktor na pwedeng mag-diagnose ng sakit. Basahin ang aking "Paalala" page: http://pinoyhealthtips.blogspot.com/p/paalala.html Dahil nakakaramdam ka ng madalas at malikidong pagdumi, marahil ay nakakaranas ka ng pagtatae. At ang pagtatae din talaga ay nagdudulot ng pananakit ng tiyan (anumang bahagi depende sa tao). Pero para sigurado, magpakonsulta sa doktor. Tungkol naman dun sa bakit ka dighay ng dighay kapag nainom ng kape, nakakadighay talaga ang kape sapagkat ito ay acidic. Nagdudulot ang madalas na pag-inom ng kape na mag-produce ang katawan ng extrang hangin. At pwede rin itong magdulot ng pagtatae.

    6. Hi po. Masakit po parati kaliwang tagiliran q sa upper part po sa likod minsan nmn po tumutugon sa left side ng sikmura ko. Almost a year na po to nararamdaman since namatay ung mama ko nag start na po ito. Almost 4 times na ako ngpa check up sa doctors pro isa lang ung sinasabi nla na hyperacidity lg dw at malamang dahil stressed ako ksi 1 time pinisil nga doctor ang upper left side ko sa likod pro hndi nmn masakit at hinampas2 nya po ang tyan ko mahangen dw po ako. At napapansin q minsan pag nag rerelease ako ng hangin gumagaan nmn ung sakit ng tyan at ang upper left side q sa likod pro bumabalik dn after few days. 😟 my ma e susugest po ba kayo on what to do? Nagagastusan npo kc ako sa mga gamot at check ups. Salamat 😊

    7. Una po sa lahat, hindi po ako doktor. Rehistradong nars lamang po. Kaya hindi ako pwede mag-diagnose ng sakit na nararamdaman niyo. Para malaman kung ano yan, kailangang "personal" na i-assess yan ng doktor, hindi basta-basta lang sinasabi kung san masakit via internet pa.

    8. Hello po . May tanong lang po ako . Signs point ba ng anung sakit kapag sumasakit yong puson KO po hanggang taas ng pusod . Hindi rn po ako makatagilid kc sumasakit po ang tagiliran KO sa ganu g posisyon . Thanks po

    9. Hi po . ano po bang dahilan ng pananakit ng tiyan sa upper left ko po . kse every morning sumsakit ang tiyan ko ? Ano po bang dahilan bakit sa umaga sumasakit ang tiyan ko?

    10. Hello po. Ask ko lng po kung bkit sumasakit ang kanang tagiliran ko? Mnsan nawawala po ung sakit tpos after a few hours sasakit na nmn. Kpag nkahiga po ako patagilid sa kaliwa para d masakit. Ano po ba ang dhilan? At anu po ang pwede kung gawin?

    11. Posibleng ang pagsakit ng tiyan mo ay gawa ng hindi mo pagdumi. Uminom ng maraming tubig. 10-12 glasses. Kumain ng fiber-rich foods gaya ng prutas at gulay. Mag-exercise para bumaba ang dumi.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *