Mga Nakabibilib na Benepisyo ng Bawang sa Kalusugan

benepisyo ng bawang

Categories :
(Last Updated On: February 16, 2023)

Pagdating sa anumang lutuin, hinding-hindi mawawala ang bawang. Ito ay nagbibigay ng mabangong amoy sa mga pagkain at nagpapasarap ng mga lasa nito. Pero alam niyo ba na ang bawang ay nakatutulong din sa ating kalusugan?

Narito ang 6 na benepisyo ng bawang sa ating katawan:

1. Nagbibigay ng proteksyon laban sa ubo, sipon, at lagnat.

Ayon sa Everyday Health, ang bawang ay may mataas na sulfur content. Ang compound na ito ang nagsisilbing tagapagtanggol ng katawan laba sa ubo, sipon, at lagnat. Bukod dito, ang sulfur ay tumutulong upang mas ma-absorb ng katawan ang zinc, isang uri ng trace element. Ang zinc ay pwedeng makuha sa mga dairy product (gatas, keso), seafood (talaba, katang), manok, mapupulang karne, at iba pa. Gaya ng sulfur, ang zinc ay pampatibay ng katawan laban sa mga sakit.

2. Nagpapababa ng mataas na presyon.

Alam na alam natin na ang bawang ay isa sa mga aprubadong halamang gamot ng DOH. At isa sa pinakatanyag na gamit ng bawang ay ang pagpapababa ng presyon. Hindi lamang ito basta haka-haka. Maraming mga pag-aaral ang nagpatunay na ang bawang ay epektibo sa altapresyon.

3. Nakababawas ng masakit na ngipin.

Pwede ring gamot sa masakit na ngipin ang bawang. Meron kasi itong antibiotic properties. Magpitpit lamang ng bawang at ihalo ito sa mainit-init na tubig na may asin. Mumugin ito para mawala ang sakit ng ngipin.

4. Nagpapababa ng tiyansa na magkaroon ng kanser.

Naglalaman ng maraming phytochemicals ang bawang kaya epektibo ito para hindi ka dapuan ng kanser. Ilan sa mga uri ng kanser na kayang pigilan ng bawang ay colorectal cancer, alcohol-induced liver cancer, stomach cancer, pancreatic cancer, at iba pa.

5. Mainam na pagkain para sa mga buntis upang hindi makaranas ng premature labor.

Ayon sa Nutrition Facts, ang bawang ay nakatutulong upang hindi makaranas ng premature labor ang isang buntis. Kumbaga, ang bawang ay nagsisilbing pampakapit ng sanggol sa inyong sinapupunan.

6. Inaayos ang pagdaloy ng dugo sa mga sexual organ.

Ang bawang ay naglalaman din ng allicin. Ang compound na ito ay tumutulong sa pag-ayos ng pagdaloy ng dugo sa mga sexual organ, mapababae man o lalake. Nagpapataas din ito ng sex drive o libido. Bukod dito, pinapanatili nitong malulusog ang mga similya ng kalalakihan.

Talaga namang napakainam ng bawang para sa ating katawan. Bukod doon, pwede pa itong kainin nang hilaw o lutuin sa iba’t ibang paraan.

References:

5 Ways Garlic Boosts Immunity

Foods High in Zinc

Garlic lowers blood pressure in hypertensive subjects, improves arterial stiffness and gut microbiota: A review and meta-analysis

4 Reasons Eating Garlic Is Good for Cancer Prevention

Garlic

Eating Garlic and Raisins May Help Prevent Preterm Birth

Can Garlic Increase Sexual Drive?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *