Ano ang Dapat Gawin Kapag Mababa ang Presyon?

dapat gawin kapag mababa ang presyon

(Last Updated On: January 11, 2024)

Masasabing ikaw ay may low blood pressure (hypotension) o mababang presyon ng dugo kung ang iyong presyon ay mas mababa sa 90/60 mmHg. Pero ito ay depende pa rin sa tao. Ang ilang mga kababaihan, lalo na yung mga dalaga pa, ay madalas nasa 80/60 to 100/60 mmHg ang presyon, pero “normal” na presyon lang sa kanila ito. Yung iba namang matatanda (gaya ng nanay ko), kapag pumalo sa 100/60 mmHg ang presyon niya, nakararanas na siya ng mga sintomas ng hypotension. Ano nga ba ang dapat gawin kapag mababa ang presyon? Bago natin talakayin yan, alamin muna natin ang mga sintomas ng low blood pressure.

Table of Contents

    Karaniwang Sintomas ng Low Blood Pressure

    Sa totoo lang, ang sintomas ng low blood pressure ay halos hindi nalalayo sa mga sintomas ng mataas na presyon. Based on experience bilang dating nurse, highblood man o lowblood ang pasyente, karaniwan nilang daing ang mga sintomas na ito:

    1. Pananakit ng ulo
    2. Pagkahilo
    3. Panlalabo ng paningin
    4. Panghihina
    5. Panlalamig ng balat
    6. Pagkahingal o mabilis na pagkapagod

    Yung nanay ko, madalas hypotensive. Yung tatay ko naman, madalas hypertensive. Halos parehas ang mga nararanasan nilang mga sintomas, kaya maigi talaga na may blood pressure monitor kayo sa bahay.

    Unique na Sintomas ng Low Blood Pressure

    Bagama’t may pagkakatulad ang sintomas ng mga lowblood at highblood, meron itong ilang unique o katangi-tanging mga sintomas, gaya ng mga sumusunod:

    1. Mabilis ngunit mahinang pulso
    2. Pagkauhaw
    3. Kawalan ng focus at depresyon
    4. Pananakit ng tiyan 
    5. Pamumutla ng balat
    6. Pagkahimatay
    dapat gawin kapag mababa ang presyon pin
    Ano ang Dapat Gawin Kapag Mababa ang Presyon?

    6 na Dapat Gawin Kapag Mababa ang Presyon

    Ngayong tapos na nating talakaying ang mga sintomas ng mababang presyon, narito ang mga dapat mong gawin kapag ikaw ay lowblood:

    1. Uminom ng tubig na hinaluan ng asin.

    Bakit may asin? Kapag mababa ang presyon ng dugo, kulang sa sodium o asin. Kapag purong tubig lang ang iyong ininom, posibleng mas bumaba pa ang iyong presyon. Yung plain water, mas ok siya sa mga may highblood. Pero kapag lowblood, saltwater solution dapat. So, gaano kadaming asin ang ihahalo sa tubig? 1/2 kutsarita ng asin, ihalo sa 1 basong tubig.

    2. Kumain ng pagkaing maaalat.

    Kung hindi niyo gusto ang saltwater solution, pwede namang kumain ng pagkaing maaalat para tumaas-taas ang inyong presyon. Ano ba ang pagkaing maaalat ang pwedeng kainin para sa lowblood? Pwede ang mga delata, noodles, cheese, mga pagkaing may toyo at oyster sauce, instant soups, at iba pa. Kung mapapansin niyo, karamihan ng maaalat na pagkain ay mga “instant” kasi marami yang mga asin na preservatives. Pero note lang, pang-first aid lang ang mga pagkaing iyan kapag mababa ang presyon mo, huwag araw-arawin.

    3. Medyo i-ehersisyo ang katawan.

    Mag-unat unat nang bahagya o igalaw-galaw ang mga kamay at paa para may dumaloy na dugo sa katawan at mawala ang iyong pamumutla. Kapag medyo pinapagod mo rin ang katawan mo, tataas ang iyong presyon.

    4. Umupo o humiga nang mas mataas ang ulo kaysa sa paa.

    Kung hindi mo pa talaga kayang mag-unat-unat, pwede namang humiga ka lang muna. Pero para mas maging maayos ang pagdaloy ng dugo at mawala ang iyong pagkahilo, umupo o humiga nang mas mataas ang ulo kaysa sa paa.

    5. Mag-small frequent feeding.

    Ang small frequent feeding ay yung pagkain nang madalas pero paunti-unti. Kapag kumain ka kasi nang isang bagsakan at marami, posibleng mas bumaba pa ang iyong presyon. Paano ba mag small frequent feeding? Di ba kadalasan, 3x a day tayo kumain. Sa small frequent feeding, gagawin mo siyang 6x a day. Pero mas maunti ang kakainin mo bawat oras ng pagkain. Halimbawa, half rice at half ulam lang muna ng 8am, sunod naman ay 11am, and so on. Ang pag-itan sa small frequent feeding ay pwedeng 3-4 hours, depende sa masisikmura mo. Tsaka, pwede namang hindi puros kanin at ulam ang kakainin mo. Pwedeng mga sopas-sopas at tina-tinapay basta malalamnan ang sikmura mo.

    6. Magsuot ng compression stockings.

    Ang compression stockings ay kadalasang isinusuot ng mga may varicose veins. Para silang makapal na stockings na sobrang sikip kapag isinuot. Inirerekomenda ng mga doktor ang pagsusuot ng compression stockings sa mga lowblood kasi nakatutulong ang mga ito upang mas maraming dugo ang dumaloy sa upper body. Kung walang compression stockings, pwedeng pagtiyagaan ang 2 medyas na magkasuklot para sumikip-sikip.

    Mayroon Bang Iniinom na Gamot Para sa Low Blood Pressure?

    Ayon sa WebMD, ang mga karaniwang gamot na binibigay sa mga taong may low blood pressure ay Fludrocortisone at Midodrine. Ang mga gamot na ito ay nangangailangan ng reseta ng doktor, kaya kailangan mo talaga magpa-checkup.

    Pero kadalasan, ang simpleng low blood pressure ay hindi na nangangailangan ng medikasyon at maaaring bumalik sa normal ang iyong presyon kung gagawin mo ang mga home remedies na nabanggit sa taas.

    References:

    1. Low Blood Pressure (Hypotension) – Mayo Clinic
    2. What to Eat to Help Raise Low Blood Pressure – Manhattan Cardiology
    3. Raise Blood Pressure Naturally Through Diet – Healthline
    4. Low Blood Pressure (Hypotension): Symptoms, Causes, and Treatment – WebMD

    2 thoughts on “Ano ang Dapat Gawin Kapag Mababa ang Presyon?”

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *